Kandila by Mawi Cataran



Kandila by Mawi Cataran a.k.a fragile333


© Kandila 2010.
All rights reserved.
Distribution of any kind is prohibited without the written consent of Maestrel G. Cataran. This is purely a work of fiction. Names, characters, places and incidents are used fictitiously,
and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments,events or locales is entirely coincidental.




Sulat para sa'yo 

Kandila. 

Isang bagay na kayang magpaliwanag ng isang madilim na kwarto. 
Isang bagay na hindi kaya magliwanag ng pang-habang buhay. 
Isang bagay na madalas inaalay sa mga yumaong mahal sa buhay upang magbigay gabay sa landas na kanilang tatahakin. 
Ikaw ang aking kandila, 
Ikaw ang nagbigay liwanag sa aking madilim na buhay. 
Ikaw ang aking kandila, 
Ngunit may hangganan ang iyong pagliwanag. 
Gayon pa may kahit maubos may ang mitsya ng kandila, mananatili ang mga ala-alang ikaw ang nagbigay liwanag at gabay sa aking buhay.  
Magpakailanman ay mananatili kang isang maliwanag at matatag na kandilang dumating sa buhay ko. 

Salamat Annica Tormientes Castro. 

-Benjie Gonzales Rodriguez 





1. Nitso 

<Pananaw ni Ben> 


Nandito ako nga sa jeep,trapik. 

Pupuntahan ko kasi siya. Panigurado naghihintay siya sa'kin. 
Miss ko na talaga siya. Masyado ding natagalan ang pagdalaw ko sa kanya. 
Sa bagay, ngayon lang kasi ako lumabas ng bahay namin. 

Sa wakas nandito na ako. 

Tatlong buwan rin akong nagkulong. Pero wala akong magagawa kailangan ko pa rin pumunta dito. 

Umupo ako sa may upuan malapit sa kanya. 

"sorry." sabi ko sa kanya. 

Lumakas ang ihip ng hangin. 

"S-sorry, s-sorry talaga." 

Nagsisimula ng mamuo ng mga luha sa mata ko. 

Alam ko nandito ka lang sa tabi ko. 

"Ngayon lang ako nakaroon ng lakas ng loob." patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. 

"Kahit anong pilit ko sa sarili ko. Hinding hindi ko na talaga maibabalik ang dating ako, dahil hinding hindi ka na babalik." 

Lumuhod ako malapit sa isang malapad at makinis na bato kung saan nakaukit ang pangalan niya: 

Annica T. Castro 

July 14, 1990 - July 14, 2009 

"Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko." 

Nilagay ko 'yung dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila. 

"Hindi kita naprotektahan" 

Hindi kita nasagip..



2. Balisong 


<Pananaw ni Ben> 



Tandang tanda ko pa yung madaling araw na yun. 

<July 14, 2009 alas dos ng madaling araw sa may madilim na eskinita malapit s playground> 

"~BEN!~" niyakap niya ako ng mahigpit. 

Pagkatingin ko sa mga kamay ko... 



Dugo... 


Buhat-buhat ko siya, hindi ko alam ang gagawin ko noong mga oras na yon.  
Bawat hakbang ko, parang nadudurog ang puso ko, pakiramdam ko parang mas lumalayo ang pupuntahan ko, parang humahaba ang daan... 

Bumabagal ang lahat... 

"~Anne malapit na tayo sa ospital.Kunting tiis na lang...~" hawak-hawak ko lang ang mga kamay nya.  

Hindi ko siya kayang iwan.  

Hindi ngayon.  

"~Anne..'wag kang bibitiw..Tandaan mo birthday mo na ngayon! MARAMI KA PANG GAGAWIN SA BOARDING HOUSE KAYA HINDI MO PA AKO PWEDENG IWAN!! Naiintindihan mo ba ako Annica?!~" 

Hindi mo ko pwedeng iwan... 

'wag ngayon.. 

Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya. 

"~Ben..~" mahina niyang tugon..  

"~mahal na mahal kita, Anne~" sabi ko sa kanya.  

Ito na ata ang una at huling beses kong nasabi sa kanya ng personal na mahal ko siya.  

"~Mahal na mahal din kita Ben~" ito ang huling mga katagang narinig ko sa kanya. 

Sinisisi ko talaga ang sarili ko.  

Kung napigilan ko lang talagang lumabas ng bahay, hindi na sana siya naholdap.  

Kung hindi lang ako naging lampa, hindi sana sa kanya tumama ang balisong ng walangyang lalaking yun. 


Kung sa simula pa lang dapat... 


dapat inalagaan na kita. 


Kung ginawa ko lang ang bagay na iyon, e di sana magkasama pa din tayo ngayon. 



"Anne, sorry" biglang tumulo ang luha sa lapida... 


Naramdaman kong humangin ulit.. 

"salamat at napatawad mo na ako" 

Kung napatawad mo man ako... 



Ako,  


hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko. 


Hindi ko kaya. 


3. Itim na rosas 

<Pananaw ni Ben> 


Tumayo na ako. 

"babalik ako dito kada ika-labing apat na araw ng buwan." humangin ulit. 

"oo, pangako ko yan sayo Anne." 

pangako. 

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.  
Mabigat sa puso kong iwan siya.  
Mabigat din sa puso ko na iniwan niya ako.  
Tumigil ako at tumakbo pa balik sa libingan niya. 


"nakalimutan kong ibigay..." 
inilapag ko ang isang kulay itim na rosas. 

"pasensya ka na kung itim...Hanggat hindi ko pa napapatawad ang sarili ko,at hanggat hindi pa ako handang magmahal ulit, mananatiling itim na rosas ang ibibigay ko sayo, tanda ng pagluluksa ko sa paglisan mo." 

At pagkatapos ay umalis na ulit ako. 

Sa hindi kalayuan may babae akong nakita na may hawak-hawak na bulaklak.  
Sa tingin ko hindi naman nalalayo ang edad niya kay Anne. 
Noong makalagpas siya sa akin, biglang humangin. 


Bakit kaya? 

... 

Lumingon ako para tignan kung saan pupunta yung babae. 

Pero... 


Bakit... 


Anne... 



4. Isang tawag 


<Pananaw ni Ben> 



Pero... 


Bakit... 


Anne... 


"Anne..." 

tumigil yung babae sa libingan kung saan nakalibing si Anne. 


Pero hindi siya doon humarap. 
Pumunta siya sa katapat na puntod ni Anne. 

Nakakapagtaka, kasi kinabahan ako bigla sa babae na nakita ko.  

Hindi ko na lang ito pinansin at umalis na. 

*~HOY BEN AN0 BA KANINA PA MAY NAGTETEXT SAYO NAKAKAIRITA NA PATAYIN MO NA YANG CP MO!~* 

napangiti ako bigla, narinig ko na naman ang boses niya. 

Patago ko pang inirecord yan at ginawa kong message alert ng cellphone ko. Lagi ko kasi siyang ginagalit dati,sabihin na nating KSP ako. Gusto ko kasi na lagi niya akong napapansin.  


1 Message received 
From: Joshua 
tol, pgktpos m0ng pmunta ky Anne, blk ka d2 s bordng haws, mgdla kng pgkain. Nnd2 ung kua ni Anne.Blsn m ok. 


Kuya ni Anne? 
Bakit kya? 

Buti na lang bumili ako ng pizza. 

To: Joshua 
geh 2l pauwi n q. 
Message Sent 

*~HOY BEN, KANINA PA NAGRIRING ANG TELEPONO MO!!NAG-AARAL YUNG TAO DITO E! IBABATO KO NA TALAGA YAN~* 

Calling... 
Anne 

Nagbi-blink yung pangalan niya s cp ko. 


Calling... 
Anne 



Calling... 
Anne 



Calling... 
Anne 



Paanong? 


Nanakaw na yung cp ni Anne noong araw na yon.  


Imposibleng sa kanya 'yung number... 



"hello?" 





5. Kahon

<Pananaw ni Ben> 



"hello?"  

Naghintay ako ng sagot galing sa kabilang linya. 

"hello? Sino ka? Bakit mo gamit ang number ni Anne?!" 

wala pa ding sumasagot. 

"HELLO?! BAKIT BA AYAW MONG SUMAG-" 

*tooot* 

binaba na niya. 

Sino kaya siya? 


<Boarding house> 

Pagpasok ko sa bahay may nakita akong lalaki sa may sala. 


Tama, si Kuya Jess nga. Ang nakakatandang kapatid ni Anne. Siya rin ang matalik naming kaibigan ni Anne. At higit sa lahat siya ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Anne. 

"p're galing ka daw kay bunso." bati niya sa'kin. 

"oo, pasensya na kung ngayon lang ako pumunta sa kanya." 
umupo ako sa tabi niya. 

"kamusta ka naman?" tanong niya sa'kin. 

"hindi ko alam...Sabi nga nila: 'life must go on'. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin yung ganitong sistema" 

simula ng nawala si Anne, naging tahimik na ang boarding house. 


Wala ng nagsisigawan tuwing gabi. 


Wala ng nagsasara ng pinto ng pagkalakas-lakas. 
Wala na akong naaasar. 


"nakakamiss talaga si bunso." sabi ni Jess habang nakatingin sa pintuan kung saan ang kwarto ni Anne. 

"simula ng nawala si Anne hindi ko na pinaupahan ang kwarto niya...Balak ko din lumipat do'n, para kahit papa'no alam ko ramdam ko pa rin na kasama ko siya." 


"'lika kain muna tayo doon, lalamig na yang pizza noh. Sayang." 
napansin niya sigurong nilalamon na naman kami ng kalungkutan. 


Habang kumakain... 


"saglit lang," tumayo si Jess at pumunta sa sala. 


"oh ito, kay Anne 'yan" 
inabot niya sa'kin ang isang box. 





Binuksan ko 'yung kahon... 




" 'di ba...Pa'no 'to napunta 'to sayo??" 




6. Nanakaw na cellphone 

<Pananaw ni Ben> 



Binuksan ko 'yung kahon... 



" 'di ba...Pa'no 'to napunta sayo??" 

"akala mo siguro 'yan 'yung nanakaw sa kanya noh?" 

Tumango lang ako bilang sagot. 

"no'ng araw rin 'yon ay nagkita kami ni Anne. 'yung phone na nanakaw sa kanya ay ang phone na niregalo ko para sa birthday niya. At yun ang dahilan kung ba't late na siya nakauwi." 

Kaya pala, 'yun 'yung gabi na nagkasagutan kami. Hindi ko naman sinasadyang sigawan siya, hindi ko lang maiwasang mag-alala, at hindi ko rin alam na si Jess pala ang kasama niya. 

Pero kung bago 'yung phone niya e 'di iba rin 'yung sim card no'n.  
Ibig sabihin si Jess ang tumawag sa'kin kanina? Pero bakit hindi siya nagsalita? 


"p're, e 'di 'yung sim card na ito 'yung sa luma niya?" tanong ko sa kanya. 

"hindi, pinalitan niya 'yung sim card. Kasamang nanakaw 'yung luma niyang sim card." 


e 'di hindi nga siya ang tumawag. 


"saka naiwan niya sa'kin 'tong luma niyang phone. Alam kong mahalaga siya sayo at sa maniwala ka man o hindi e mahal at mahalaga ka rin kay bunso." 


Tumayo na siya at nagpaalam na. 

Ang kwarto, 

Ang cellphone, 


at ang mga ala-ala na lang namin ni Anne 
ang nagpapatatag sa'kin para mabuhay. 


7. Duyan 

<Pananaw ni Ben> 




Pagkaalis ni Jess ay nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko. Ngayon kasi ako lilipat sa dating kwarto ni Anne. 

Pagkabukas ko ng kwarto, nandoon pa rin ang iba sa mga gamit niya. Kinuha na ng mga magulang niya ang mga damit niya at mga mahahalagang gamit niya. Maliban do'n ay nandito pa rin ang ibang gamit niya. 

Ang pin-up-coarkboard na nakadikit sa pader malapit sa may kama niya. May mga ilang litrato pa ding nakadikit dito. Nakiusap kasi ako sa mga magulang niya kung pwede silang mag-iwan kahit konting ala-ala ni Anne. 

Nakakalat pa rin ang ilan sa mga term papers, notebooks, modules niya sa study table niya. Tulad ko isa din siyang I.T. student. 

"Anne, sa tingin mo, hanggang kailan ako magiging ganito?" 

Kumuha ako ng isang notebook at umupo ako sa kama. Pagkabuklat ko sa notebook may nalaglag na litrato ng isang duyan, may nakasulat sa likod na: 

~ang lugar na ito ang aking sangtuwaryo. Dito ako pumupunta pag nalulungkot at nalilito ako o kaya naman ay gusto kong alalahanin ang mga masasayang ala-ala sa buhay ko. 
-Annica~ 



Pamilyar sa'kin ang lugar na iyon... 



Tama, sa may playground malapit sa eskinita... 


Dali-dali akong lumabas at pumunta sa playground. Wala ng mga batang naglalaro, gabi na din kasi. Umupo ako sa duyan.. 



"Annica lakas trip ka naman e! Puro magsyota ang mga nandito,! hindi mo ba alam na naiinggit ako?!" 


Humangin bigla... 


"che...Inaaway mo ako..Hahahah..." 



"miss na kasi kita..." 



Humangin ulit... 


"Anne, e kung sumunod na rin kaya ako sa'yo? Para magkasama na tayo..." 


Naghihintay ako na humangin... 




Pero wala, 


"ayaw mo akong sumama sayo...Ok payyn! Hahahah" 


Nagpasya na akong bumalik sa bahay... 



Medyo malayo na rin ang nalalakad ko pero hindi gano'n kalayo kaya tanaw ko pa rin ang duyan. May nakita akong babaeng umupo sa duyan at kumakain ng ice cream.  



May kamukha siya. 





'yung babae sa sementeryo... 






8. Labing apat na kandila 


<Pananaw ni Ben> 




Pumasok ako sa school kinabukasan.  

Tatlong buwan rin akong bangag sa klase, last semester. Kailangan ko ng bumawi ngayong sem. Buti na lang at nakapasa ako DBMS ko last sem, kung hindi apat na major subject ang hindi ko makukuha ngayong sem. 



"Benjietot!"  


naririnig ko na naman ang pagpuputak na naman si Madie.. 


"Bakit Madietot?"  


kukulitin na naman ako nitong lukaret na 'to panigurado. 


"Tulala ka na naman e. Gusto mo ba dalawin natin siya maya pagkadismiss?" 


Si Madie talaga. 

Siya na lang ang masasandalan ko kapag nandito sa school. Best friend niya si Anne. Noong una galit na galit siya sa akin kasi hindi ko nailigtas ang best friend niya.  

Dynamic duo kasi sila parang magkapatid na ang turingan nila. Pero n0ong tumagal napatawad na din niya ako. Naisip niya siguro na nasaktan rin ako sa nangyari. 


"sige Madz puntahan natin siya. Lika na pumasok na tayo." 

inakbayan ko siya tapos pumunta na kami sa room. 


Naging mabilis ang oras ngayong araw na 'to. Siguro kasi sabik na akong puntahan siya. 


"Ano? Alis na tayo?"  
sabi sa akin ni Madz. 

Tumango lang ako sa kanya. 

Pagkababa namin sa may sementeryo. 

"Madz, gusto mo mauna ka na? May bibilhin lang ako." 
sabi ko kay Madz. 


"Ok! Bilisan mo wah." 


Tumango ako, tapos umalis na siya. 

Nakalimutan ko kasing bumili ng kandila. 

"Ma, pabili nga ho ng labing-apat na kandila." 


Nang na-iabot na ni manong 'yung kandila, may nakita akong flower shop. 

Pumunta ako doon sa flower shop.  


Nakalimutan kong magdala ng bulaklak. 


"miss, pwede makabili ng isang rose na puti..." 





9. Litrato 

<Pananaw ni Ben> 




"miss, pwede makabili ng isang rose na puti..." 
"opo sir...Long stem po ba?"  
tanong sa'kin no'ng tindera. 


Tumango na lang ako. 


"sige po sir kukunin ko lng po sa loob." 


Umalis na 'yung tindera para kunin 'yung rose. 




Buti na lang at may white rose pa sila...  


Nagtingin ako ng iba pang bulaklak.. 

" 'eto na po sir." 

Inabot niya sa akin 'yung isang magandang puting rosas. Perfect. Isang rosas para sa pinakamamahal ko. 


Pagkatapos kong bayaran 'yung bulaklak ay nagtungo na ako sa kanyang puntod. 


Nakita ko si Madie nakaupo sa damuhan malapit sa lapid ni Anne.  

Umiiyak na naman siya. 


"sorry Madz." bulong ko. 


Lumapit na ako kay Madz. 

"sorry kung natagalan ako." sabi ko sa kanya. 

Yumuko siya at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. At pagkatapos ay nginitian niya ako. 


"ano bang ginawa mo?" tanong niya sa'kin. 


"bumili ako nito." Sagot ko.  


Inabot ko sa kanya ang mga kandila. 

Ngumiti siya at sabay naming sinindihan ang mga ito. 

Labing-apat na kandila para sa ika-labing-apat na araw ng buwan. Tulad ng ipinangako ko sa kanya. 


"Bes! Alam mo ba sobrang miss ka na ng buong section natin." 
Masaya pa ang pagkakasabi ni Madz kay Anne. 


Humangin bigla. 


"totoo 'yun bes! Miss ka na namin. Lalong lalo na 'tong katabi ko." 

Bigla niya akong siniko. 

"Totoo talaga 'yung sinabi ni Madietot." 

"SIRA Madietot ka d'yan!" sabay hampas sa braso ko. 

Nilamon naman kami ni Madz ng katahimikan. 

"Benjietot iwan ko muna kayo ni Anne." 

Tumango na lang ako. 


" 'ge, Bes babalik ako mamaya. love you." 

Pagkasabi ni Madz ay umalis na rin siya. 




"Hi Anne... miss mo na ako noh?" 


Humangin ulit, 


" 'eto para sa'yo...." 

Nilapag ko 'yung rosas sa lapida niya. 



Buti na lang nag-i-spray rin sila ng bulaklak do'n sa flower shop na binilhan ko. 


Oo, isang itim na rosas na naman.  

hindi talaga magiging madali para sa'kin ito. 

"mahal na mhal kita, alam kong alam mo 'yan." 


Hindi kita kayang kalimutan. 


Hindi ko pa kayang magmahal ng iba. 

Kasi alam ko magkikita tayo ulit... 

Humangin ng malakas. 


Biglang may nakita akong nilipad sa may lapida ni Anne. 


Isang litrato ng isang lalaki at babae... 


Nakaupo sa duyan 'yung babae sa duyan tapos parang kuha sa cellphone 'ung picture kasi 'yung lalaki 'yung nagkukuha. blur 'yung picture tapos black and white. 

May nakasulat sa likod... 

I <3 you Benjie. 
-Annica ;)  




10. Permiso 



<Pananaw ni Madie> 


Nauna na akong pumunta sa puntod ni Anne.  

May bibilhin siguro si Ben. 

Nang malapit na ako sa puntod niya ay may nakita akong babae sa katapat na puntod ni Anne. Naka-upo siya sa damuhan malapit sa lapida.  

Nandoon lang siya tahimik, tulala. Hindi ko alam pero may bumabagabag sa'kin na tila gusto ko siyang lapitan pero meron din akong nararamdaman na hindi pa ito ang tamang panahon. 

Lumapit na ako sa puntod ni Anne. 

"hi bes! Miss na kita. Si Ben nga pala kasama ko, may binili lang siguro kaya nauna na ako." 


Humangin bigla. 


Kasabay ng paghangin ang pagtulo ng luha ko. 


"bes,sorry." 


Sorry kasi parang nahuhulog na ako kay Ben. Ayoko siyang makitang nasasaktan. 


"Alam ko galit ka sa'kin kasi parang sinusulot ko sa'yo si Ben." 

Tinatraydor ko ang sarili kong kaibigan. 

" 'wag kang mag-alala bes. Siya pa rin ang mag-dedisisyon kung kaya niya akong mahalin. Pumunta na rin ako dito para humingi ng permiso mo para ipagpatuloy ko 'yung nararamdaman ko kay Ben." 


Humangin ulit. 


"salamat...Kung ano mang maging desisyon niya ay rerespetuhin ko." 
tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. 


"sorry kung natagalan ako." sabi ni Ben. 


Yumuko ako at pinahid ang mga luha sa pisngi ko. 


"ano bang ginawa mo?" tanong ko sa kanya. 

"bumili ako nito." sagot niya. 


Inabot niya sa'kin ang mga kandila at sabay namin itong sinindihan. 

"bes! Alam mo ba sobrang miss ka na ng buong section natin." 


Humangin bigla. 


"totoo 'yun bes! Miss ka na namin. Lalong lalo na 'tong katabi ko." sabay siko niya sa'kin. 


Nagkaasaran. 


Maya-maya e nilamon na din kami ng katahimikan. 


"Benjietot iwan ko muna kayo ni Anne." tumango lang siya. 


" 'ge, bes. Babalik ako mamaya. Love you." 
iniwan ko na si Ben. 

Medyo malayo na rin 'yung nalalakad ko.  

Lumingon ulit ako kila Ben. Napansin kong paalis na 'yung babae sa katapat na puntod. 

Umalis na rin ako.  


May kakaiba talaga sa babaeng 'yun. 






11. Fettuccine 


<Pananaw ni Ben> 

"Nga pala Anne, maluwag ang schedule ko ngayon, napagpasyahan ko na magtrabaho do'n sa paborito nating restobar malapit sa playground. Tanda mo pa 'yun 'di ba? Lagi tayo do'n natambay." 


Naaalala ko pa noon... 


*flashback* 

"~HOY BENTOT! TALO KA! ILIBRE MO AKO NG FETTU SA MALIJENS!~" 

(a/n: Malijens po 'yung pangalan ng pinapangarap kong restobar.) 


'eto na naman si Anne. Porke natalo niya ako sa pusoy dos e nag-nga-nga-ngawa na naman ng fettuccine. Katakawan talaga. 


Ang ingay e! Tumayo na ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang... 

"~DAYA! FETTUCCINE KO!!!~" 

sigaw siya ng sigaw habang hinahampas 'yung braso ko. 


Tinignan ko siya ng masama. 

Aba't mantakin mo 'yun nginusuan pa ako ng walanjok! 

"~bawal ba akong pumunta sa kwarto ko?~" 
tanong ko sa kanya. 


"~eeeh... 'yung fettu ko?~" 
nakanguso pa rin siya. 

Para talagang bata! 

"~ayaw mo ba akong kumuha ng pera pambili ng fettu mo?! Ok, kung aya-~" 


"~'ETO NAMAN JINOJOKE LANG! kunin mo na bilis!" 
sabat niya habang tinutulak ako papunta sa kwarto. 


Kinuha ko na 'yung pera ko at pumunta na kami sa Malijens. 


<*MALIJENS' Restobar*> 


"~Good evening sir, ma'am. May I take your order?~" 
tanong no'ng waitress.  

"~dalawang fettuccine at dalawang iced tea.~" sabi ko sa waitress. 

"~Anne may idadagdag ka pa ba?~" tanong ko sa kanya. 

"~blueberry cheesecake.~" sagot niya. 

"~ok, dalawa na rin blueberry cheesecake~" sabi ko sa waitress. 

"~would that be all sir?~" tanong niya. 


"~oo, 'yun lang~"  

paalis na sana 'yung waitress kaso paglingon niya ay nabunggo niya 'yung isang waiter na may dalang iced tea kaya natapon ito at napaupo sa lapag 'yung waitress. 


"~Nica ok ka lang ba?~" tanong no'ng waiter sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo. 

"~ok lang ako Jhie~" sagot niya. 

Tumayo na siya at kinuha na 'yung inorder namin. 

"~i like her.~" sabi ni Anne. 

"~huh?~" tanong ko. 

"~nakikita ko 'yung sarili ko sa kanya.~" sagot niya. 

"~ahh..~" wala akong maisagot sa sinabi niya. 

"~kung saka sakaling ipagpalit ako ng future-bf ko, sana katulad niya. Kasi mas magiging panatag ang loob ko.~" sabi niya. 


Hindi ko talaga siya maintindihan. 


"~gutom lang 'yan~" 
tapos nginitian niya ako. 


*end of flashback* 



"Ben uwi na tayo.." 

hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Madie. 

Tumango na lang ako. 

"Ben...Bakit itim?" 


tumingin ako sa kanya., nakatingin pala siya sa itim na rosas na nakapatong sa lapida ni Anne. 
"hangga't hindi ko pa napapatawad ang sarili ko at hindi pa ako handang magmahal ulit, mananatiling itim na rosas ang ibibigay ko sa kanya. Simbolo ng pagluluksa ko." 
paliwanag ko sa kanya. 


Naglakad na siya. 


Tapos biglang tumigil pero hindi pa rin niya ako nililingon. 


"blaming yourself won't bring her back to life." 
sabi niya... 


Humangin bigla. 



"alam ko." sabi ko. 






12. Maleta 



<Pananaw ni Ben> 


"~blaming yourself won't bring her back to life.~" 



"~blaming yourself won't bring her back to life.~" 




hindi ko talaga makalimutan 'yung sinabi ni Madie noong pauwi na kami galing sa sementeryo. 
Isang linggo na rin ang nakakalipas. Sa isang linggo na 'yun ay hindi kami nagkikibuan ni Madie. 



Nandito ako ngayon sa kwarto ni Anne na ngayon ay kwarto ko na. 


Hinihintay ko na lang ang tawag galing sa restobar na inaplayan ko. 


*~HOY BEN, KANINA PA NAGRIRING ANG TELEPONO MO!!! NAG-AARAL 'YUNG TAO DITO E! IBABATO KO NA TALAGA 'YAN!~* 


kinuha ko 'yung cellphone ko para tignan kung sino 'yung tumatawag.. 


Calling... 
+63922******* 


sino kaya 'to? 


"hello?" tanong ko 

"hello po..." 


Babae 'yung nagsasalita. 

Hindi ko alam pero kinilabutan ako bigla. 


"hi, sino po sila?" tanong ko ulit. 


"I'm Nica, a staff from Malijens. Is this Mr. Benjie Rodrigues?" 


Nica? Parang narinig ko na 'yung pangalan na 'yun. 


"Yes, I am." sagot ko. 


Sana tanggap na ako para mainterview. 


"Please report tomorrow 10am sharp for the interview." 

"Ok po. Salamat po." YES!! 

"Your welcome, and Mr. Rodrigues..." 

"Po?" 

Bakit kaya? 

"Please be on time." 

hayy...Kala ko naman kung ano na! 

"I will ma'am... Salamat po talaga." 

in-end na niya 'yung tawag. 


Hindi pa rin mawala 'yung ngiti sa mga labi ko. 


"Anne narinig mo 'yun? Interview ko na bukas! Sa tingin mo matatanggap ako?" sabi ko habang tinitignan ang hawak kong litrato ni Anne. 

Gusto ko talagang matanggap do'n. 'yun kasi ang isa sa mga lugar na nakakapagpaalala sa akin tungkol sa'yo. 

*tok* *tok* *tok* 


"sino 'yan?" tanong ko. 

Alas onse na ng gabi wah! Sino naman kayang mangbubulabog sa'kin ng ganitong oras? 

"P're may naghahanap sa'yo..." 

Si Joshua lang pala. 

Tumayo na ako at binuksan 'yung pinto. 

"Sino 'yung naghahanap?" tanong ko sa kanya. 


"Chicks eh. S'yota mo ata 'yun p're eh..." 


CHICKS?! 

Sino naman kaya 'yun? 

"nasaan na 'yung 'chicks' na sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. 

"nandoon sa ibaba sa may sala.. Mukhang naglayas eh. Puntahan mo na baka may problem eh. Saka mukhang galing sa pagkakaiyak. Nagulat nga ako no'ng hinanap niya 'yung may-ari nitong boarding house e." 


paliwanag ni Joshua. 

"Sige pakisabi pababa na ako, magbibihis lang kamo ako." 

Tumango lang siya pagkasabi ko nito. Kaya nagpalit na ako ng damit at pagkatapos ay bumaba. 
Sa kaba ko ay dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. 

Nakita ko 'yung babaeng nakatayo sa may pintuan. Sa may sofa ay isang maleta at isang malaking bag. 




"Miss,..." 






13. Renta 



"miss.." 



Nakatalikod pa din siya. 


Hindi niya siguro ako narinig. 


Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang lungkot nabumabalot sa kanya ngayon. 


Isang babaeng nakatayo sa may pintuan.  

Maiksi ang buhok na kulay brown, katulad ng kay Anne.  

Nakasuot ng pink na T-shirt at skinny jeans na itim. 

May isang bahagi sa akin na gusto ko siyang lapitan at yakapin. 

Isang pakiramdam na parang kaharap ko muli siya. 



Lumapit ako sa babae... 




"Anne..." 


humarap siya sa akin... 



"Ben *hik*" 


Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. 

"Madie..." 

Ano bang nangyari? 


"Ben *hik* p'wede bang *hik* dito muna *hik* a-ako t-tumuloy *hik*..." 


Pinuputol ng hikbi niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. 


"ano ba kasing nangyari Madie?" 


tanong ko habang inaakay siya papunta sa may sofa. 


"h-hindi ko na talaga kaya do'n *hik* sa amin." 

"kukuha lang ako ng tubig saglit lang ha." 


tumango lang siya sa akin at pumunta na ako sa kusina. 

"p're." 

"LOKO KA 'WAG ka naman manggulat!!!" napasigaw ako sa gulat loko talaga 'tong si Joshua!  


tama bang magtago sa may kurtina! 


"hahaha, s'yens'ya naman. sino 'yung chicks p're?" 
tanong sa akin noong mokong. 


"si Madie kaibigan ko." 
sagot habang nilalagyan ng tubig 'yung baso. 


"ahhh... ba't umiiyak?" 


ang daming tanong. 

"hindi ko pa alam e. kinuha ko muna ng tubig para kumalma. hindi ko maintindihan 'yung sinasabi iyak ng iyak e." 


"ok." 


pagka sagot ni Joshua ay bumalik na ako sa sala. 


"'eto o." 


inabot ko sa kanya 'yung baso. 

"salamat *hik*" 

"ano ba kasing nangyari? Ha Madietot? Isang linggo mo akong hindi pinansin tapos ngayon pumunta ka dito ng natulo ang uhog! Eeww...Hahah" 


"ga...!Ghuww!" 


Sabay hampas sa braso ko. 

"sorry na! Pinapatawa lang kita noh." nakita kong medyo napangiti siya sa ginawa ko. 

Tapos nalungkot ulit. 

Baliw na babae. 

"Ben, may bakante pa bang kwarto?" tanong niya sa akin. 

"oo, meron pa." 

"'eto 'yung bayad sa renta." 


sabay abot ng pera sa akin. 

Hindi ko pa rin s'ya maintindihan. 

Bakit ba s'ya nandito? 


"Ben, p'wede na ba akong magpahinga sa kwarto? Inaantok na kasi ako eh." 


tumango lang ako at kinuha na ang maleta niya para dalhin sa magiging kwarto niya. 


Nang maihatid ko na siya sa kwarto. 


"Madz, kung handa ka ng magkwento nandito lang ako sa kabilang kwarto. 'wag kang mahiyang kumatok." 


bahagya siyang ngumiti at tumango. 


Kung ano man ang problema niya, malalaman ko rin ito balang araw. 



"goodnight Madie..." 





14. Split End 



<Pananaw ni Madie> 


Mag-iisang buwan na din pala akong nakatira dito sa boarding house ni Ben. 



Mag-iisang buwan ko na rin itinatago kay Ben ang nararamdaman ko. 

at mag-iisang buwan ko rin hindi inaamin kung bakit ako naglayas sa amin. 


Mag-iisang buwan na hindi man lang nila naisip na hanapin ako. 

Sa bagay ano bang magagawa ko e putok sa buhok lang ako ng magaling kong ama. 
Wala na rin naman akong po-problemahin sa pera kasi may sarili naman akong negosyo. 
Kaya kong tustusan ang mga pangangailangan ko kaso sa pang-materyal na bagay lang. 


Kailanman ay hindi mabibili ng pera ang pagmamahal, 

ang pag-aaruga, 

ang atensyon ng isang magulang para sa kanyang anak. 


Hindi ko naman ginusto na maging anak sa labas... 

At lalo ng hindi ko ginusto na maulila sa ina. 


Kung tutuusin e maayos naman ang buhay namin ni mama noong nabubuhay pa siya. 
Magkatulong kami itaguyod ang munting boutique na ngayon ay ginawa ko na ring online shop. 


Saka may na-ihanda na rin siyang educational plan sa akin kaya hindi naman ako namorblema sa pangtuition. 



Kolehiyo... 



Naging mahirap sa akin ang pagpasok sa kolehiyo. 

Hindi dahil sa mahihirapan ako sa mga subjects, ito'y dahil isang buwan bago ako pumasok sa kolehiyo ay dumating ang isang mapakasakit ang kalbaryo sa buhay ko. 


Namatay si mama dahil sa heart failure. 

Mag-isa na lang ako... 

Hindi ko alam kung nasaan ang mga kamag-anak ko. 

Pero isang araw habang nakaburol ang aking ina... 


*Flashback* 


Nakatayo ako ngayon sa harapan ng kabaong ng aking yumao na ina. 


"~ne..~" 

Napalingon ako sa likuran ko. 

Doon ay nakatayo ang isang lalaki, medyo mas matanda siya ng ilang taon kay mama. 


"~bakit po?~" tanong ko sa lalaki. 


"~ikaw ba anak ni Madeline?~" tanong niya sa akin. 

bakit niya kilala si mama? 


"~opo ako po. ano pong kailangan nila?~" 


nagulat ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. 


"~sino po ba kayo?!~" napupumiglas ako sa pagkakayakap niya. 

Tinignan niya ako sa mga mata. 


"~Madison...~"  


bakit niya alam ang pangalan ko?~ 

"~sino po ba talaga kayo?! bakit alam niyo ang pangalan ko?~" 

baka siya... 




"~ako ang tatay mo..~" 


*end of flashback 


akala ko pagsumama ako sa kanya ay mararamdaman ko kung pa'no magkaroon ng ama. 

pero 


mali pala ako 

mas maigi pang nabuhay akong mag-isa ng hindi siya nakilala.  

dahil kahit kailan si Madison ay hindi mababago na isa akong  

sampid, 


anak sa labas, 


putok sa buhok. 





15. Vodka 


<Pananaw ni Ben> 


Pagkauwi ko galing trabaho, nakita ko si Madz sa may terrace, nakaupo sa may sahig katabi ang isang bote ng vodka, isang pitchel ng strawberry juice at isang baso. 


Ano ba kasing problema nitong babaeng ito at naisipan uminom. 

Lumapit ako sa kanya para tanungin ang problema niya. 




"hindi mo man lang sinabi na totoma ka, Daya mo hindi ka nagyaya, nagsolo ka." 
sabi ko sa kanya. 



Ininom niya ang laman ng baso niya. Malayo pa rin ang tingin niya. 

Kinuha ko 'yung pitchel at sinalinan ko ang baso at ininom ang laman nito. 
Nagulat siguro siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sa akin. napatingin ako sa mga mata niya, sa unang tingin e aakalain mo lang talaga na lasing na siya pero kapag tinitigan mo ang mga mata niya e mahahalata mong hirap na hirap na siya sa pinagdadaanan niya. 
Namumugto ang mga mata niya na para bang pagod na pagod na kakaiyak. 


"Madie kahit hindi mo sabihin e alam kong hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo. 'wag kang mahiya mag-open-up sa akin. 
para mo na rin akong kapatid.." 


pagkasabi ko ng salitang kapatid e napansin kong nanlisik ang mga mata niya. 


"manhid talaga kayong mga lalaki." 
sabi niya. 


"uh?" 


"kapatid lang?" 

napayuko siya bigla. 

hindi ako nakasagot sa tanong niya. 


"hindi mo ba nararamdaman na mahal kita Ben? hindi ko inamin sa'yo dati kasi nalaman kong mahal ka ni Anne kaya nagparaya ako." 


hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. 

mahal niya ako... 




"pero ngayong wala niya siya e hindi ko na kayang itago ang nararamdamn ko... 


mahal kita Ben.. 







mahal mo rin ba ako?" 





16. Wala siya dito 


<Pananaw ni Ben> 


"mahal mo rin ba ako Ben?" 




"Madie.." 


Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya alam kong lasing lang siya kay niya nasasabi ang mga bagay na iyon. 



Pero,  

alam ko rin na kapag lasing ang isang tao e mas madali nitong nasasabi ang mga bagay na hindi nila kayang sabihin kapag nasa katinuan sila. 



"SAGUTIN MO 'YUNG TANONG KO BEN!" 
sigaw ni Madie.  


Nag-simula na siyang umiyak... 



"Madz naman lasing ka na e." 


Sinusubukan ko siyang akayin papunta sa kwarto niya pero nagpupumiglas siya. 


"hindi ako lasing..." 
kalmado na sagot niya. 


Umiiyak pa rin siya... 


Madie ayokong nakikita kang nagkakaganyan... 


Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang umiiyak...  
para na rin kitang kapatid. 



"tahan na... mahal kita Madie... 







pero bilang nakababatang kapatid. At bilang kapatid ayokong nakikita kang nagkakaganyan." 



"hindi kita kayang maging kapatid. AYOKO!" 



"ANO BA MADIE! ALAM MO NAMANG SI ANNE LANG ANG MAHAL KO!" 

nasigawan ko siya ng wala sa oras... 


"SI ANNE?? BAKIT BEN? NASAAN BA SI ANNE? HINDI BA INIWAN NIYA TAYO?! BEN 'WAG KA NGANG BULAG AKO ANG NASA TABI MO NGAYON HINDI SI ANNE!" 


"tama ka. ikaw nga ang nandito at hindi si Anne pero hindi pa rin magbabago na si Anne ang mahal ko at hindi ikaw." 




"Ben, Madie..." 
sabi ni Joshua na nakatayo sa may pintuan. 


"iwan mo muna ako." 
sabi ni Madie. 


"Madz, sorry.." 
sabi ko habang hawak ang kamay niya. 


"please, iwan mo muna ako." 



"P're may naghahanap sa'yo sa baba. katrabaho mo ata." 

lumapit na ako kay Joshua at iniwan si Madie. 


"ako na bahala kay Madie." 

tumango lang ako sa kanya. 



Pag kababa ko e nakita ko si Anne na nakatalikod tumitingin ng mga litrato sa may sala. 


Humarap siya sa akin... 

"Hi Ben..." 





17. Annica 


<Pananaw ni Ben> 

"Hi Ben..." 



"Annica..." 

Bumalik ka Anne... 

Salamat at bumalik ka... 

"Hoy Ben ok ka lang ba?" 

"ok lang.." lumapit ako sa kanya. 

"narinig ko kasing nagsisigawan kayo. May nangyari ba?! 

"wala 'yun Annica. Nagkaalitan lang kmi ni Madie..." 

"Ben 'di ba sabi ko sa'yo Nica na lang ang itawag mo sa akin." 

Si Nica ang isa sa mga ka-close ko sa resto. Siya rin 'yung waitress na sinabi ni Anne na kapareho niya. 

Tama nga siya magkapareho sila. 


"sorry Nica, sanay lang ako na Annica." 

Mas gusto ko na tinatawag kang Annica kasi pakiramdam ko palagi ko siyang kasama. 


"Ben..."  
tumayo siya at lumapit sa isa sa mga picture sa may tukador. 


"'di ba siya 'yung lagi mong kasama sa resto? 'yung babaeng mahilig sa fettuccine...Girlfriend mo ba siya?" 

Natawa naman ako sa ginawa niya. Parehong pareho talaga sila ni Anne. 
Ang daldal! Dire-diretcho 'yung tanong. 

"Siya si Anne. Hindi ko siya girlfriend..." 


technically...Hindi. 

Hindi ko siya girlfriend pero nagmamahalan kami. 


"ah...Nasaan na siya?" 
tanong niya sa akin. 

Anong isasagot ko? 


"wala na..." malamig na sagot ko.. 

Yumuko siya sa narinig niya. 

"pa'nong wala na?" tanong niya. 

"nasa heaven na..." 
Nanlaki 'yung mga mata niya. 

"condolence..." 

pareho kaming natahimik ni Nica. 



"Anne..." 

Napatingin ako sa nagsalita. 

Isang babaeng nakatayo sa may hagdanan, namamaga ang mga mata at namumula ang mukha dahil sa kalasingan. 


"Anne!" tumakbo siya papunta kay Nica... 


"Sor*hik*ry...Sorry *hik* Anne.." 

Niyakap niya si Nica. 
Patuloy pa rin ang paghikbi na parang bata na kinuhaan ng lollipop. 

Halata sa mukha ni Nica na naguguluhan na siya sa mga nangyayari. 

"Madie bumalik ka na nga dit--Anne..." 

nakita ko si Joshua na nakatingin kay Madie at Nica. 


Tinawag niya rin si Nica na Anne. 


Lahat siguro kami nakikita si Anne kay Nica. 


Lahat kami ay nangungulila sa kanya.. 




18. Bus 


<Pananaw ni Nica> 

"Ben ano na bang nangyayari? Ba't nila akong tinatawag na Anne?" 

Naguguluhan na talaga ako sa kanila. Hindi ako si Anne. 

Saka akala ko ba nasa heaven na siya? 

Siguro kasama na niya c Jhie ngayon. 


"Sorry Nica..." 


Naalala ko na naman si Jhie. 


*pagbabalik-tanaw* 

"~Nics!~" 

Lumingon ako do'n sa tumawag sa akin. 


"~uy Jhie, ikaw pala. Akala ko pauwi ka na. Mag-o-overtime ka rin ba?~"  


Si Jhie ang isa sa mga "special someone" ko dito sa Laguna. Siya lang ang karamay ko ngayon. Naulila na kasi ako noong maaksidente ang bus na sinasakyan ng mga magulang ko noong mag-se-seventeen years old ako. Sakto pang birthday ko noong mangyari 'yun. Nihindi ko alam kung anong mangyayari sa akin noong mga sandaling iyon. 

Buti na lang eh handa ang mga magulang ko sa mga pup'wede mangyari sa hinaharap. May sarili kaming bahay, inawanan nila ako ng education plan at kung anu-ano pang benipisyon tutal ako nama'y nagsosolong anak. 

Wala akong choice kung hindi ang tanggapin ang lahat at magpatuloy sa buhay. 

Pinagsabay ko ang pagtatrabaho at ang pag-aaral. 

Dito sa resto-bar ko nakilala si Jhie. Siya ang tumayong tatay/kuya/bestfriend ko. 

At hindi ko kayang mawala siya sa akin... 





Pero... 



Naging maramot sa akin ang tadhana... 



Lahat ng mahal ko sa buhay ay kinukuha nila... 




Si Jhie na lang natitira sa akin pero kinuha pa rin sa akin ng tadhana. 


"~happy birthday Jhie! Cheers!~" 

sabi ko kay Jhie. 

Nandito kami ngayon sa may bar malapit sa pinatatrabauhan namin. Day-off kasi namin ngayon kaya sinelebrate namin 'yun birthday niya. 

Maaga pa mag-e-eleven thirty pa lang. 

Nahihilo na ako gusto ko ng umuwi. 

"~Jhie, uwi na ako sensya na, happy birthday ulit.~" 

"~aga pa Nics.~" 

"~kailangan ko na talaga umuwi~" 

"~gusto mo hatid na kita?~" 

"~'wag na noh kaya ko na 'toh ako pa! Saka asikasuhin mo sila, ikaw may birthday tapos iiwan mo sila.~" 

"~sure ka?~" 

"~sure na sure~" 
nginitian ko siya tapos umalis na. 

"~badtrip umuulan pa!~" 


kinuha ko 'yung payong sa bag ko at tumawid. 

"~anak ng tokwa nalaglag pa 'yung wallet ko!~" 

noong dadamputin ko na 'yung wallet ko... 

"~NICA TUMABI KA!~" 

Naramdaman kong may tumulak sa likuran ko... 
Masyadong maliwanag... 


Masyadong mabilis ang mga pangyayari... 


Ang tanging naririnig ko na lang ay mga nagkikiskisan na gulong, busina ng bus at sigawan ng mga tao... 


"~jhie...~" 


tumakbo ako papalapit sa mga nagkukumpulang tao. 

"~TABI! SINABI NG TUMABI KAYO EH! JHIE!~" 
sigaw ko... 


Nakita kong dumadaloy ang dugo niya sa kalsada kasama ng patak ng ulan... 

Hindi totoo 'toh... 


Niyakap ko siya. 

"~Jhie ano ba! Gumising ka! 'wag mo akong iwan please!~" 

Humahagulgol na ako. 

Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng luha ko. 


"~WALA BANG KIKILOS SA INYO! WALA BANG TUMAWAG NG AMBULANSYA?!~" 


dali-dali nilang binuhat si Jhie at isinakay sa jeep... 


"~Jhie 'wag kang bibitiw...'wag mo akong iwan... 


Mahal na mahal kita.~" 


"~mahal...din kita, Nica,...Paalam...~" 



Paalam... 

Pagkasabi niya ng paalam biglang tumigil ang oras. 

Pakiramdam ko kasama niyang umalis ang puso't kaluluwa ko. 


Ang natitirang lakas ko... 


Ang natitirang pamilya ko... 



Parehong kinuha ng tadhana sa pamamagitan ng bus... 



*pagtatapos ng pagbabalik-tanaw* 


"Nics ok ka lang ba?" 
sabi niya. 


Kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko ang pagtulo ng luha ko... 


"...Jhie mahal kita." 




19. Sino sa dalawa 

<Pananaw ni Ben> 

"Nics ok ka lang ba?" 
sabi ko kay Nica. 

"...Jhie mahal kita." 

huh? 

sinong Jhie? 


"Anne...Sorry talaga..*hik* Sorry.." 
sabi ni Madie. Iyak pa rin siya ng iyak. 


Si Nica naman e tulala parin. Ano kayang nangyari at tulala siya? 


"Josh pakidala muna si Madie sa kwarto niya." 
sabi ko kay Joshua. 


Tumango lang siya at inakay na si Madie papunta sa taas. 


"Nica?" 
sabi ko kay Nica. 


Hindi pa din niya ako pinapansin. Ang lalim talaga ng iniisip niya. 


"wala na siya." 

bigla niyang sinabi. 


Sinong nawala? 

Naguguluhan ako. 


"Nics..." 


Tumingin siya sa akin. 


Kitang kita sa mga mata niya ang galit. 

Ano bang nagawa ko? 


May nasabi ba ako? 


"Anong tinawag mo sa akin?" 

Malamig na tanong niya. 


"Nics??" 


Lalo siya nagalit noong sinabi kong Nics. 


"WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKONG NICS!!! SI JHIE LANG TUMATAWAG SA AKIN NG NICS! SI JHIE LANG!" 

Bigla na lang tumulo ang mga luha niya pagkasabi niya ng pangalan na Jhie. 


Sino kaya si Jhie? 


"Sorry Nica.." 


bigla siya tumayo at tumakbo palabas ng bahay. 


Sinundan ko siya-- 


"BEN TULUNGAN MO AKO BILIS! SI MADIE!" 


Madie... 



anong nangyari kay Madie?!! 




Pa'no na si Nica? 





20. Iwas 

<Pananaw ni Nica> 


Dalawang linggo na rin ang nakakalipas noong magpunta ako kila Ben. Simula noon e iniwasan ko na siya. Ayokong ng maulit ulit ang nakaaraan. hindi ko na kakayanin kung pati siya e mawala sa akin. 

Alam ko mahirap ang iwasan siya lalong lalo na sa trabaho.  


Sa tuwing lumalayo ako sa kanaya lalo ko siya hinahanap. 






<Pananaw ni Ben> 


Dalawang linggo na rin ang nakakalipas noong magpunta si Nica sa bahay. Simula noong tumakbo siya paalis ay parang naulit uli 'yung dati. Pakiramdam ko noong mga oras na 'yon na si Anne 'yung lumabas sa pintuan na 'yon. 

Napansin ko ring iniiwasan na niya ako. Lalong lalo na sa trabaho. 


Hindi ko alam pero sa tuwing lulayo siya sa akin e lalo ko siyang gustong lapitan. 






<Pananaw ni Madie> 



Dalawang linggo na rin ang nakakalipas noong malasing ako, tandang tanda ko pa na nagtapat ako sa kanya. Hindi ako naniniwala na kapag lasing ang tao e hindi niya alam ang ginagawa niya, sa totoo lang kapag lasing ang isang tao alam niya niya ang ginagawa niya pero hindi niya makontrol.  
Siguro kaya sinasabi ng iba na hindi nila alam 'yung ginawa nila e sadyang gusto nila itong ibaon sa limot dahil sa kahihiyan. 


Masaya na rin ako noong gabing 'yun kasi atleast na sabi ko sa kanya 'yung nararamdaman ko, kahit na alam kong si Anne pa rin. 


Si Anne... 


Feeling ko talaga nakita ko si Anne noong gabing 'yun. Niyakap ko pa siya at humingi ako ng tawad. 



Sabi sa akin ni Josh (Joshua) na si Nica raw 'yung babae na niyakap ko, akala nga din niya si Anne 'yun. 



Siguro nga gagawa at gagawa ang tadhana para paglapitin silang muli. 

At si Ben na din mismo na hindi niya ako mahal... 


tulad nga ng sabi ko kay Anne, rerespetuhin ko ang ano mang magiging desisyon ni Ben. 





14 nga pala ngayon... 


pupuntahan ko si Anne. 






noong makarating ako sa puntod niya ay may nakita akong itim na rosas ngunit hindi nakatulad ng dati na itim na itim. 

'yung nakita kong rosas e may 1/4 na puti... 


ano kayang ibig sabihin nito? 





21. Aalagaan kita 

<Pananaw ni Nica> 

"Nica!" 

hay naku, 'eto na naman tayo! 

Layuan mo na ako Ben please lang! Nahihirapan na ako. 

Binilisan ko na 'yung lakad ko kailangan ko na talaga siyang iwasan. 

"Nica, mag-usap tayo please." 

patuloy pa rin ako sa paglakad. 

Bigla niyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit pero hindi ganoon kahigpit para masaktan ako. Humarap siya sa akin.  

Hindi ko siya kayang kausapin.  

Hindi ko siya kayang tignan sa mata. 

"Nica, bakit ka ba umiiwas sa akin? Ano bang nagawa ko?" 
tanong niya sa akin. 


Ano nga bang nagawa niya? Bakit nga ba ako naiwas? 

Hindi ko rin alam. 

Hindi na pansin na may mga luha na palang namumuo sa mga mata ko.  

"hi-hindi ko alam...A-ayoko lang maulit yu-yung da-dati..." 

nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. 

"kung ano man 'yung pangyayari na 'yun e hindi ko na hahayaan 'yung maulit..." 

sabi niya. 


Sana nga hindi na ito maulit. 



<Pananaw ni Ben> 

"kung ano man 'yung pangyayari na 'yun e hindi ko na hahayaan 'yung maulit..." 


Hindi ko na muli hahayaang mawala ka ulit sa akin Annica. 


"Hayaan mong alagaan kita." 
sabi ko sa kanya. 


Tumango lang siya. Hindi ko pa rin talaga matanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. 


Naramdaman kong basa ang t-shirt ko dahil sa mga luha niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya sa mata. 


" 'wag na 'wag mo ng uulit 'yung pag-iwas sa akin wah." 
ngumiti siya at tumango. 


Mahalaga sa akin si Nica kahit pa sabihin nating sandaling panahon pa lang kami nagkakilala. 

Pero hindi ibig sabihin nito na nakapagmove-on na ako kay Anne. 

Si Anne pa rin ang laman ng puso ko. Hindi ko pa rin p'wedeng ikaila 'yun sa aking sarili. 


Pagkauwi ko sa boarding house ay naabutan ko si Madie sa may terrace. Nakaupo siya sa may lapag habang may hawak na gitara. 

"hi." 
bati ko sa kanya. 


Ngumiti lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagtipa sa mga kwerdas ng gitara. 

Alam kong nagkakailangan pa din kami ganoong sa mga nangyari kamakailan. 


"sorry sa mga nasabi ko last time." 
sabi ko habang nakatingin sa mga bituin. 

Bigla siyang tumigil sa pagtipa. 

"wala 'yun, tanggap ko naman." 
sabi niya. 


Pareho kaming napatahimik. 

Parehong nakatingin sa kawalan. 



"siya ba?" 
nabigla ako sa tanong niya. 


"sino?" 


"si Nica." 
malamig niyang sagot. 



"sa totoo lang hindi ko rin alam. Hindi pa ako handa." 

totoo namang hindi pa ako handa. Hindi ko ata kakayanin kapag naulit uli ang mga nangyari. 


" nalilito ka? 'yun bang dahilan kya 1/4 na bahagi palang rosas ang puti? " 

pa'no n'ya nalaman? E halos wala pa ngang 1/4 ung puti noong rosas... 


"siguro." 
sagot ko. 



Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. 


"matuto ka munang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba." 
sabi ni Madie. 


Tama siya. 

Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko bago ako magmahal ng iba. 




22. Diary 

<Pananaw ni Ben> 

"matuto ka munang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba." 

"matuto ka munang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba." 


"matuto ka munang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba." 


WALANJUMOKANGANAMANMADIEOH!! 

Hindi mawala sa kukote ko 'yung sinabi ni Madie. Pa'no ko naman kaya gagawin 'yun?  

"hayst..." 


Nandito ako ngayon sa kwarto ko, day-off ko kasi. sinubukan kong maghalungkat ng mangilan-ilan na gamit ni Anne. 
May nakita akong isang makapal na notebook. Medyo may kalumaan na 'yung notebook pero maayos pa rin. kulay black and pink combination 'yung kulay ng notebook. 

Noong una nagdadalawang-isip pa akong basahin no'ng makita kong "Diary" 'yung nakasulat sa unang pahina. 


"Anne, p'wede ko bang basahin 'to?" 
tanong ko sa kanya. 

Tumayo ako at binuksan ang bintana. Nagbabaka sakaling sumagot siya. 


Sinubukan kong dumungaw sa bintana pero hindi talaga mahangin sa labas, sa katunayan e sobrang banas pa nga. 

"p'wede?" 
tanong ko ulit. 

Bumalik na ako sa kama at ipinatong ang notebook sa may study table. Siguro nga ayaw niya ipabasa sa akin 'yung diary niya. 



Pagkahiga ko biglang humangin at nagbuklat ang notebook. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa may study table. 

Medyo ilang pahina mula sa may unang pahina ang bumungad sa akin. 


Kinuha ko 'yung notebook at bumalik sa kama. 


"July 14,2007 

9:47 am 

Good Morning ANNICA GANDA!!! (= 


First birthday ko ngayong college!!! next week e lilipat na ako sa nahanap kong boarding house malapit sa school namin. actually hindi naman talaga siya "boarding house" bali parang bahay siya na pinapaupahan. BOARDING HOUSE NGA!! hahaha. 
A basta hindi siya tipikal na boarding house. Kilala ni kuya 'yung may-ari noong B.H. (Boarding House ahahahah) kasi kababata daw niya pero mas matanda si kuya. EXCITED NA AKO!!! 

At dahil BERDAY ko ngayon... MAY PARTY-PARTY! I mean, pupunta 'yung ilan sa mga classmate ko. Specially ang aking bestfriend na si Madietot! buti na lang classmate ko pa rin siya hanggang college. 
Ano kayang regalo nila sa akin? hahahah. sana magluto si mama ng macaroni salad at leche flan!!! yumyum!!! 


Si Jhie kaya pupunta? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita mula noong gumraduate kami ng elementary. siguro naman alam pa niya 'yng bahay namin kasi hindi naman kami lumipat. Siya lang naman 'tong umalis e. amp. 
Well, kung nasaan man siya e ingat na lang. 

o diary mamaya na lang ulit kasi tutulungan ko pa sila mama magluto. 

bayiiii. 

love, 
Annica Ganda <3" 





Ang kulet "Annica Ganda" talaga e.  





Sino kaya si Jhie? 



23. Eternal garden 


<Pananaw ni Ben> 

Tatlong buwan rin ang lumipas simula ng mabasa ko ang isa sa mga diary entry ni Anne. Pagkabasa ko noon e itinago ko na ulit ito. Sa tuwing naaalala ko ang kanyang kaarawan e bumabalik sa akin 'yung mga sandali na yakap ko siya ng bawian siya ng buhay. 

Isang pangyayari na tila sariwa pa din sa aking isipan. Wari'y kahit pilitin ko man kalimutan e sadyang dadalhin ko ito hanggang sa aking huli hantungan. 

Gayon pa ma'y nananatili akong nagpapatuloy sa aking buhay kasama si Nica. Unti-unti na siyang napapalapit sa akin pero laging sumasagi sa utak ko kung napatawad ko na ba ang aking sarili. 


"Ben." tugon ni Nica. 

Papunta kami ngayon sa Batangas para magbakasyon. Kasama din namin si Madie at Joshua na tila nagkakamabutihan na rin. 


"Ben! Daanan muna natin si Anne!" sabi ni Madie. 


Oo nga, hindi pa kami nakakapagpaalam sa kanya. 

Tumingin ako kay Nica. 

"Annica ok lang ba?" tanong ko sa kanya. 


"ok lang. Sa'n ba 'yun?" tanong niya sa akin. 


"sa may Eternal Garden, on the way naman 'yun." sagot ko sa kanya. 


Pagkasabi ko ng Eternal Garden e medyo nalungkot siya. Siguro naalala na naman niya si Jhie. 

"ok ka lang ba Nics?" tanong ko sa kanya. 

"uhm ok lang... may bibisitahin rin ako sa Eternal e." sabi niya sa akin. 

Sino naman kaya 'yung bibisitahin niya sa Eternal? ah baka do'n din naka libing si Jhie. 


baka nga. 




Nang makarating na kami sa Eternal. 

"Ben, una ka na sa loob. Bibili lang akong kandila at bulaklak." sabi ni Nica. 

"gusto mo samahan na kita?" tanong ko sa kanya. 

"hindi ok lang. sige na una ka na do'n kaya ko na 'to." sabi niya tapos nginitian niya ako. 


Nginitian ko rin siya tapos tumuloy na ako sa loob. 


nandito ako ngayon sa harapan ng puntod niya. Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? 


lumapit ako sa kanyang lapida... 



"Anne... Aalis nga pala kami ngayon, 'wag kang mag-alala magbabakasyon lang kami nila Madie, nga pala nasa may labas sila may bibilhin lang daw muna. alam mo bang nagkakamabutihan na sila ni Josh. ayos 'di ba?? hahahaa.." kwento ko sa kanya. 








"miss na kita Annica." sabi ko tapos pumikit ako. 







"Benjie...miss na kita.."  


guni-guni ko lang ba 'yun? o talagang kinausap ako ni Anne? 




"Bumalik ka Benjie... jhie.." sabi ulit ng babae. 


Hindi ako makalingon... 



Nanlalamig ang buong katawan ko. 




Tama ba itong nararamdaman ko? 





nakita kong nakatayo si Nica sa katapat na libingan... hindi maaari... 




lumapit ako sa kanya.. 





at binasa ang nakaukit sa lapida. 



Benjie S. Fernandez 

July 14, 1989 - July 14, 2009 








"Annica." sabi ko tapos niyakap ko siya... 




Siya si Annica hindi niya talaga ako iniwan... 




24. Tanungin mo ako 

<Pananaw ni Nica> 

yehey! Kami na ata ni Ben! 

Ata? 

Oo, ata. 

Kasi naman e hindi pa niya talaga ako tinatanong. 

E ano ng tawag sa amin? M.U.? Umm p'wede rin. Siguro nga M.U. kami. Bahala na. Atleast ngayong nandito na siya, pakiramdam ko nandito din Jhie at masaya kami ngayon. 


"Nicz! Kakain na tayo." 

Nga pala dito na kami ngayon sa batangas, nagbabakasyon. 

Tapos pag-uwi namin sa boarding house na niya ako titira. 



Joke! May bahay kaya ako! Ba't naman ako magbo-board?? Hahaha! 

Nandito lang kami para... 


Para ano nga ba? 



Ah! Para tumambay! Hahah! Tama! Para tumambay. 

At para tumakas sa stress. 

"anong ulam?" tanong ko kay Ben. 


Pumunta na ako sa may dining table. Nandito rin si Josh at Madie. Alam niyo bang sila na. Kaiingit. 

Tayo kaya Ben kailan magiging tayo? Charot! 


"nhei! Say aahh..." sabi Madie kay Josh. 

Waaah! Ang cute nila!  

'nhei' yung tawagan nila, short for honey. Ang sweet noh! 


Loko 'tong mga 'to nang-iingit! Ben naman kasi eh. 


Pagkatapos naming kumain lumabas muna kami. Nandito kami ngayon sa may beach, naggawa kami ng bonfire. 


Bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko. Ewan ko pero nung hinawakan niya 'yung kamay ko, tila may kuryenteng dumaloy sa ugat ko. Kuryenteng sadyang nagustuhan ko. 


Napatingin ako sa kanya. 


"Nica,." sabi Ben. 

Napansin siguro ni Madie na magkahawak kami ng kamay kaya napatahimik sila. 


"Bakit?" tanong ko sa kanya. 

"Bakit hindi natin subukan?" tanong naman niya. 

Subukan ang ano? 


"ang alin?"  

ano ba yan sinasagot ko 'yung tanong niya ng isang tanong din. 





"Nica, will you be my girl?" 









25. Susubukan ko 

<Pananaw ni Ben> 


Nandito kami ngayon sa beach kasama ang buong tropa. Hindi ko alam kung tama ba ang mga ginagawa ko. Mahal na mahal kita Anne. 



Saka miss na kita. 


Gumawa kami ng bonfire. Ewan ko ba! Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot. 


Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Siguro nga kailangan ko ng magmove on pero mahihirapan ako. 

Naalala ko na naman 'yung pangyayari sa may sementeryo. 


-Eternal Garden- 

"Annica." sabi ko tapos niyakap ko siya. 


Pero bigla na lang siyang nawala. 

Hay naku Ben nananaginip ka na naman ng gising. 

Ben hindi siya si Annica. 



Si Nica 'yan. 


Wala na si Annica. 



-Beach- 

Katabi ko si Nica ngayon. 

Si Nica, masaya siya kasama. May mga bagay na pareho ni Anne. Parehong masayahin, pasaway at masarap asarin. 

Humangin bigla. 


Oo na hindi ko na siya ikukumpara sa'yo. Selos ka naman agad Anne. 


Humangin na naman. 



Hindi daw nagseselos. Weh? Joke lang Anne. Peace. 


Bawat paghangin e parang sumasagot siya. 




Sa tingin mo Anne...si Nica na ba? 


Humangin pero hindi gano'n kalakas. 



gano'n ba? Talagang pinamimigay mo na ako wah. Oh sige...pag-aaralan ko siyang mahalin pero Anne...pa'no kung masaktan ko siya? 



Hinintay kong magresponse siya sa tanong ko pero wala. 


Si Anne talaga bigla na lang nawawala. 



tama ba 'to? 

Hinawakan ko 'yung kamay niya. Nakakatuwa kasi nagulat ata siya sa ginagwa ko. Sabagay miski ako nagulat. 



"Nica." sabi ko. 

"Bakit?" tanong niya sa akin. 


"Bakit hindi natin subukan?" tanong ko. 


subukang makalimutan ang nakaraan. 


Subukang matutunang mahalin ka. 


"Ang alin?" tanong niya ulit. 

Nica naman eh! 'wag ka namang pasaway ngayon. 


'eto na. 



"Nica, will you be my girl?" tanong ko. 



Please say 'yes'. 




26. Kasabay ng hangin 

<Pananaw ni Nica> 

"tulak mo pa please..." sabi niya. 
Huh?! Kanina pa ako nagtutulak e!  
"AYOKO NA PAGOD NA AKO!" angal ko. 

Kapagod kaya! Pumunta ako sa may gutter at umupo. Grabe hindi akalaing ako pa talaga ang patutulakin niya!  

Hayst... 

Inikot ko ulo ko kasi sumakit 'yung leeg ko sa kunsumisyon! 

Maya-maya may tumabi sa akin at yumakaptapos may ibinulong siya. 

"nicabebeko itulak mo na please..." 

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pa'no ba naman kasi siya 'tong nagyaya na pumunta sa may playground tapos ako pagtutulakin niya sa swing?! Grabe talaga! Mahigit labing limangpung minuto ko na siya tinutulak! Wala ba talaga siyang balak na ako naman ang itulak niya?! Isinama niya lang talaga ako dito para maging taga-tulak?! 

"haba ng nguso ng nicabebeko.. kiss kita! Muuwaaah!" sabi niya tapos binigyan niya ako ng nakakalokong smack. 

Kala mo! Hindi mo ako madadala sa mga ganyang lambing lambing. KULANG PA 'YUN! 

"'uuyyy si nicabebeko gusto pa ng isang kiss." Asar niya sa akin. 
"che ka! Panget mo!" sabi ko sa kaya. 
"ako?" tapos tinuro niya 'yung sarili niya. 
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Panigurado babanat na naman 'to na parang goma. 
"ako? Panget?! Coco Martin ata 'to!..." sabay hawak sa baba niya. 
"...parang caramel... YUMMY!" sinabi niya 'yung nescafe line ni coco martin. 

Gayang gaya talaga 'yung pagkakasabi ni Coco Martin kaya naman napatawa na lang ako. 

Sira ulo talaga 'to! Kung hindi ko lang 'to mahal nasapak ko na 'to. Well, kahit naman mahal ko siya e p'wede ko pa rin siya sapakin. Bwahahaha. 

Tumayo ako tapos tumalikod sa kanya. 

"oh bakit?" sabi niya pero hindi pa rin siya natayo sa may gutter. 

Paglingon ko sa may swing e may isa pang upuan. 

Isa. 
Dalawa. 


"TAKBO!" sigaw ko sabay takbo papunta sa may swing. 

"yes!" naunahan ko si Panget! Bwahahaha. 

"hoy Coco Martin! 'lika dito at itulak mo si Maja Salvador kung ayaw mong maratrat ng M-16 ko." Sabi ko sa kanya. 

Tumayo siya at lumakad... 

Papalayo sa akin. 

"HOY! San ka pupunta?" sigaw ko. 

Hindi siya lumingon. Hindi pa rin ako tumayo sa swing. Bahala siya. 

Tinignan ko lang siya hanggang sa lumiko na siya sa may kanto.  

"ano kayang nangyari do'n sa boypren kong sira ulo?" sabi ko sa sarili ko. 

Nag-swing lang ako. 
Maganda ang panahon. 
Masarap ang imoy ng hangin. 
Tahimik ang lugar. 

~wooooooooooooooooooosssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhh~ 

"sa tingin mo Jhie, tama ba ang mga ginagawa ko?" tanong ko 


Nararamdaman ko si Jhie ngayon. Hindi ako nagkakalamali. Nandito talaga siya sa likuran ko at nakahawak sa kadena ng swing. 

Hinayaan ko lang siya. 

"'eto ba 'yung tamang paraan para makapag-move-on?" 

Ginagamit ko ba siya? 

"feeling ko tuloy ang sama ko." 

Matututuhan ko rin siyang mahalin. 

"tama. 'yun ang gagawin ko. Matututuhan ko rin siyang mahalin Jhie." 

Tumahimik na ako at pumikit. Pinakinggan ang hangin at pinakiramdaman ang presensya ni Jhie. 

Para sa'yo Jhie kakayanin ko. 

Bigla na lang may yumakap sa likod ko at bumulong... 




"Annica." 



Kasabay ng pagpatak ng luha sa kanang mata ko. 






27. Yakap ng isang naulilang kaibigan 

<Pananaw ni Nica> 



Lumipas ang mga panahon kami pa rin ni Ben. May mga oras na magkasama kami at may mga oras na hindi. Nakatira pa rin ako sa bahay ko. Syempre bahay ko naman 'yun e. Alangan namang hindi ako do'n umuwi. Minsan sa boarding house ni Ben ako natutulog. HEP! 'wag mag-isip ng masama. Sa kwarto naman ako ni Madie natutulog noh. Friends na kami ng gaga na 'yun. 


"sa tingin mo ano ng ginagawa ng mga 'yun?" 


Ayan na naman si Madie. Kinukulit na naman niya ako sa ginagawa no'ng mga mokong na 'yun. 

Tropa's night daw kasi. E 'yung magkasama ngayon 'yung si Ben at si Joshua at 'yung iba pa nilang mga tropa kaya naman kaming dalawang GF e nandito sa boarding house. Dito daw muna ako sabi ni Madie para may kasama siya (baka naman para may makulit siya).  


"panigurado nag-iinom na naman 'yung mga 'yun." sabi ko kay Madie. 


Umuwi kasi 'yung isa nilang tropa galing Japan kaya naman todo sulit 'tong mag-to-tropang 'to na magbonding kasi bakasyon lang daw 'yung tropa nila tapos babalik na ulit ng Japan kaya naman pinayagan na namin na mag-happy-happy, basta 'wag lang sobra. 



Tumingin ako sa orasan, 10:45 PM na pala. Anong oras kaya uuwi 'yung mga 'yun? 


"Madz," 


"hmmm?" limingon siya sa akin habang hinihigoop 'yung CHOCOFFEE na ginawa namin. 

(A/N: CHOCOFFEE is a refreshing drink made of chocolate drink + black coffee + creamer + sugar. It can be hot or cold. Imbento ni Mawi. TRY NIYO! D' BEST) 



"kailan kayo nagkakilala ni Ben?" tanong ko sa kanya. 

"si Ben? Umm... no'ng nagcollege kami ni Anne e dito siya sa boarding house lumipat kasi kilala ni Kuya Jess si Ben, magkababata sila. Si Kuya Jess ay ang nakakatandang kapatid ni Anne. Si Anne naman e bespren ko." kwento niya. 


"ahh... matagal na kayong magbespren ni Anne?" tanong ko. 


Usisera ako ngayon e. 


"naging magbespren kami ni Annetot no'ng high school kami." matipid niyang sagot.  

Halata naman sa kanya na ayaw niya pag-usapan si Anne kaya naman tumahimik na ako. 



"Nicky, pasensya ka na ha." 


"para saan?" 


"sa mga sagot ko. Ayoko kasing pag-usapan si Anne. Nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon." sabi niya. 


"ako nga dapat mag-sorry kasi ang daldal ko." sabi ko. 


"payakap nga." 



Lumapit siya saakin tapos bigla akong niyakap. 


"payakap muna ha... hindi ko na kasi kaya." sabi niya. 


Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Alam kong nangungulila siya sa kaibigan niya. 


Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. 


I've been there... 

TWICE PA NGA E. 

"namimiss ko na siya Nicky..." bulong niya. 

Niyakap ko rin siya at hinagod ang likod niya. 

Hinayaan ko lang siya umiyak. 



Kailangan ko rin 'to. 



Kailangan ko rin ng yakap. 



Pareho kaming nangangailangan ng isang yakap ng isang nangungulilang kaibigan. 



28. Kung ayaw mong masaktan, 'wag mong buksan

<Pananaw ni Nica>

Nakatulog na si Madz sa kakaiyak. Buti na lang talaga at nandito kami sa kwarto niya. Mag-aalas-dose na pala. Hindi pa rin sila nakakauwi. Sinubukan ko silang i-text kaso wala na pala akong load. 

Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Ben. Sabi ni Madz 'yun daw 'yung dating kwarto ni Anne. 


Makalat ang kwarto niya pero hindi naman grabe. Tipikal na kalat lang tulad ng mga libro sa sahig at mga ginusot na papel. 

Nakapasok na ako dati sa kwarto niya pero syempre hindi ko naman siya gano'ng pinagtuunan ng pansin. 

Umupo ako sa may kama niya. 


Kulay asul na ding-ding. 

Study table na puro textbook. 

Sa may pader na katabi ng kama ay nakadikit ang isang pin-up-coarkboard na may mga litrato nila ni Madz at Josh, may litrato rin ng duyan, at kung anu-ano pa.  


May isang litrato do'n na sadyang hindi ko na ikinagulat, ang litrato ni Anne, may pagkakahawig nga kami. 

Ang higit na ikinagulat ko ay ang litrato namin ni Jhie, isang litrato na black and white na blurred, sa likod no'n ay may nakasulat na 

I <3 you Benjie. 
-Annica ;)  


'yun yung huling picture namin ni Jhie at sa pagkakatanda ko e naiwala ko ito no'ng isang beses na dumalaw ako sa puntod niya. 


Hinayaan ko na lang 'yung litrato do'n. masaya ako na sa kanya napunta 'yung litrato na 'yun. 


Napatingin ako sa may ilalim ng kama kasi may nasanggi ako. Nakakita ako ng isang kahon kinuha ko ito. 


Nagdadalawang isip ako na bukas. Una, ayokong maging paki-alamera at pangalawa e baka kung ano lang makita ko do'n. 


Hindi ko alam kung bakit ganito 'yng pakiramdam ko. Para bang may tumutulak sa akin na bukasan ko 'yun. 



"pagkabilang ko ng tatlo e bubuksan ko na itong box." sabi ko sa sarili ko. 


1... 

2... 

...3 




Isang box puno ng itim na rosas at mga sulat. 



Isang tao lang ang pumasok sa utak ko...si Anne. 


Hindi pa rin siya nakakawala sa nangyari sa kanila. 

Hindi ko pa rin sigurado kung magagawa niyang mag-move-on.  

Si Anne pa rin ang mahal niya. 



Si Anne lang. 




"A-nnn-nica..." 




29. Nakakulong sa nakaraan 

<Pananaw ni Nica>
"A-nnn-nica..." 


Nakita ko siyang nakatayo at nakahawak sa may halig ng pintuan at nakayuko. 

Hanggang dito s kinauupuan ko e amoy ko ang alak na ininom niya. 

"lasing ka na." sabi ko. 

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay yumuko rin agad. 

"hindi...ako...lasing" dahan-dahna niyang sinabi. 


Ibinaba ko 'yung kahon at nilapita siya. 

"mag-linis ka na ng katawan tapos matul-"  
"bakit ka nandito sa kwarto ko?" 

Napayuko na lang ako. 


"sorr-" 

Kumaripas siya ng takbo papunta do'n sa kama kung saan ko inilapag 'yung kahon. Halos matumba na nga ako kasi nadanggil niya ako. 

"SINONG MAY SABI SA'YO NA PAKI-ALAMAN MO 'YUNG MGA GAMIT KO?!" 

Galit na galit siya. Nanginginig pa 'yung boses niya sa galit no'ng sinabi niya 'yun. Para siyang sinapian ng kung ano. Nakakatakot. 


"BAKIT AYAW MONG SUMAGOT?!"  

Lumapit siya sa akin hinablot 'yung kanang braso ko. 

"Ben, ANO BA NASASAKTAN AKO.. Sorry n-" 

"SORRY?! GANITO BA ANG GINAGAWA MO KAPAG WALA AKO SA PAMAMAHAY KO?! PINAKIKIALAMAN MO 'YUNG MGA GAMIT NA HINDI SA'YO?! NAPAKAPAKI-AL-" 


Hindi na niya naituloy 'yung sasabihin niya kasi sa sobra kong inis e nasampal ko siya. 


" 'wag mo akong pagbibintangan ng mga ganyang bagay. Sorry kung pumasok ako sa kwarto mo. Sorry kung may mga bagay akong nagalaw at nalaman." 



Binitawan niya 'yung braso ko. 

"Hindi ko si-" 

"sinasadya? Hindi mo sinasadya na ano? Nasigawan ako? Nasaktan ako? O hindi mo sinasadya na lokohin ako." 


Tinignan niya ako mata-sa-mata. 


"bakit Ben? BAKIT BA HINDI MO MAGAWANG MAG-MOVE ON?! BAKIT BA SI ANNE PA RIN?!" 


Hindi na napigilan ng mga luha ko ng bumaksak. Tuloy-tuloy ang pagdaloy nito. Wala na hindi ko na talaga mapigilan. 


"sorr-" 


"SORRY?! Ano mag-so-sorry ka rin sa akin ha Ben?! HINDI KO NAMAN HINIHILING SA'YO NA KALIMUTAN SIYA, ANG AKIN LANG... gawin mo namang pakawalan ang sarili mo sa nakaraan." 


Sinubukan kong kumalma. 


"Nicky..." 

Alam kong si Madie 'yun. Nagising ata siya sa sigawan namin. Hindi ko siya nilingn. Ayokong makita niya akong umiiyak. Dali-dali kong pinunasan 'yung mga luha ko. 


"kausapin mo na lang ako kapag kalmado ka na. saka kapag natutunan mo ng kumawala sa nakaraan." 



Nilapitan ko si Madie. 


"nga pala Ben... kung nawalan ka. Nawalan din ako, dalawang beses pa. at ayokong madagdagan pa 'yun." 


Tapos tuluyan ko na siyang iniwan. 



"Nicky, hindi na kita tatanungin, pero kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." 

Nginitian ko lang siya tapos pumunta na kami sa kwarto niya. Gusto ko sanang umuwi kaso pinilit ako ni Madie na dito na magpalipas ng gabi kasi delikado na sa labas. 



"kailan mo kaya ako matututunang mahalin Ben?" 






30. Pakawalan ang nakakulong 

<Pananw ni Ben> 


"kausapin mo na lang ako kapag kalmado ka na. saka kapag natutunan mo ng kumawala sa nakaraan." 


Ang tanga ko. 


Ang laki kong tanga. 


Napaupo na lang ako sa sahig matapos siyang lumabas ng kwarto ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Manhid na ako. Bakit nga ba kasi hindi ako makatakas sa nakaraan? 



Simple lang... 

Kasi ayoko pang iwan ang nakaraan. 
Hindi pa tanggap ng puso ko na iwan si Anne. 


Napasandal ako sa kama ko at do'n ko nakitang nakabukas 'yung kahon na naglalaman ng mga rosas na itim at mga sulat. Rosas na para kay Anne. 


Alam kong masakit para kay Nica ang mga nakita niya. Pero wala na akong magagawa... nasaktan ko na siya. Nagyari na ang mga nangyari. 


"Anne kailangan kita makausap." bulong ko. 

Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan ko sobrang bigat ng ulo ko. 



Huli ko na lang nalaman e nakatulog na ako. 



Maya-maya e minulat ko ang mga mata ko. Nagulat na lang ako ng malaman kong nasa isang pamilyar na lugar ako... 

...playground. 



"Ben!" 


'yung boses na 'yun! Siya 'yun, hindi ako nagkakamali, boses ni Anne 'yun. 


"Anne nasaan ka?! Magpakita ka sa akin!" sigaw ko. 

Bigla ko na lang naisip ang duyan... kumaripas ako ng takbo papunta doon. 



No'ng malapit na ako nakita ko siyang naka-upo do'n. 

"Annetot!" 

Lumingon siya sa akin tapos ngumiti.  


Ang ngiti na 'yun ang pinakamaganda niyang ngiti. 

"Bakit Bentot?! Namiss mo ako noh?!" 


Napailing na lang ako sa sinabi niya at ngumiti tapos kumaripas ng takbo papunta sa kanya. Gustong gusto ko na siyang yakapin. 


"syempre namiss kita." sabi ko habang yakap ko siya. 

"susunduin mo na ba ako Anne?" 


"SIRA KA BA?!" sigaw niya habang hinahampas ako sa braso. 

"at talagang ginawa mo pa akong si kamatayan?!" sabay simangot. 


"aba malay ko ba kung gusto mo akong sunduin noh. Disidido naman akong sumama na sa'yo." sabi ko sa kanya. 


"ARAY!" sigaw ko. Pa'no ba naman kinutusan ako. 


"Anne nakakarami ka na ha. Hindi na maganda 'yan. Masakit na." 


Nakita ko siyang ngumiti ulit tapos umupo siya sa duyan. Hinawakan niya rin 'yung kabilang duyan na para bang nagpapahiwatig na umupo rin ako do'n. 


"nakita ko 'yung ginawa mo sa kanya." malungkot niyang sinabi. 

"Sorr-" 

"ayan ka naman sa sorry mo e. pareho kami ni Nica na badtrip sa sorry. Mahal ka niya Ben." 


"pero hindi niya alam ang nararamdaman ko, mahal ko rin naman siya pero nawalan ako ng isang tao na nauna kong mahalin kesa sa kanya." 


"nawalan rin siya ng mahal Ben. Ang mama at papa niya... at ang taong mahalaga sa kanya... si Jhie. Ilang beses siya nawalan pero kinaya niya. Nasasaktan rin siya pero natuto siyang magpatuloy sa buhay. At ngayon, mas higit siyang nasasaktan dahil sa pagkawala ng isang taong buhay pa, at ikaw 'yun Ben." 


Tahimik lang ako. Pilit iniintindi ang mga sinasabi niya. 


"hindi niya akalaing mas masasaktan siya sa isang taong nawala pero buhay kaysa sa taong nawala dahil namatay ito. Mahal na mahal ka niya. Mas mahal ka niya. At hindi ko higit na masusuklian 'yun kahit pa nabuhay ako." 


"oras lang ang kailangan ko Anne." 


"pero wala ng oras Ben, ito na ang huling pagkakataon para pakawalan ako. Humingi ako ng pagkakataon na kausapin ka kasi kailangan mo na akong pakawalan." 


"at kung hindi?" 

"matutulad ako sa kanila." 


Tapos tinuro niya sa akin 'yung mga tao... o mas magandang tawaging 'ligaw na kaluluwa'. 


"gusto mo ba akong maging ganyan Ben?" 

"syempre hindi... p'wede ba mag-extend?" 

"sapok gusto mo?" 

"joke lang." 



"sila mama, papa at kuya nagawa na nila akong pakawalan para makamtan ko ang kapayapaan kasama Siya. Si Madie napakawalan na niya ako kanina lang. Ikaw na lang ang natitira." 


So kailangan na pala talaga. 


"p'wede ba kitang yakapin kahit saglit lang?" 


Tumingin siya sa akin at tumayo. 

"'yun nga rin ang gusto kong itanong sa'yo." 

Tumayo na rin ako at niyakap siya. 


"mahal na mahal kita Ben." 

"mahal na mahal rin kita Anne." 


Matagal rin kaming gano'n lang ang ginawa. 


Huminga ako ng malalim at sinabing... 


"malaya ka na Anniica." 


Napatingin siya sa akin kasabay nito ang pagtulo ng kanyang mga luha. 


"salamat." 



"Anne!" 

Pareho kaming napalingon. 

"Jhie!" sigaw ni Anne. 

Tapos lumapit ang isang lalaki. 


"Naka-usap mo na siya?" tanong ni Anne kay Jhie. 

Parang pamilyar 'yung pangalan na 'yun. 


Tumango naman si Jhie kay Anne. 

"Siya na ba?" tanong ni Jhie. 


Ngumiti si Anne at tumango. 


"P're ingatan mo siya." sabi niya sabay alok ng kamay niya. 

Tanda ko na. siya si Jhie ni Nica. 


"Pasensya na sa nangyari kanina."  

"Naka-usap ko na siya tungkol do'n. pero p're kapag inulit mo pa 'yun hindi ako magdadalawang isip na dalawin ka." 

Kinilabutan ako sa sinabi niya. 


"Joke lang 'yung Ben, 'wag ka maniwala d'yan kay Jhie." 

Ngumiti na lang ako. 

"Jhie, ingatan mo 'yang babaitang 'yan." sabi ko kay Jhie. 


"Ben alis na kami... salamat ulit." 

Nginitian ko na lang siya. 

Tapos naglakad na sila papunta sa liwanag. 

"Nga pala Ben, mag-usap kayo ni Nica mamaya." pahabol ni Jhie. 



Tapos ang sunod ko na lang naramdaman e parang binibiyak ang ulo ko dahil sa hang-over. 

Pagmulat ko ng mata ko e puro liwanag ang sumalubong sa akin. 






31. Liwanag sa dulo ng kadiliman 

<Pananaw ni Nica> 

"Nicz..." 


Jhie...  


Minulat ko 'yung mga mata ko para hanapin siya. 

"hmmm... Jhie? Sa'n ka?" 

Bumangon ako sa kama at nakita ko siyang nakaupo sa may tabi ko. Hindi ko mapigilang ngumiti sa sobrang saya. Ngayon na lang ulit siya nagpakita sa akin. 

"kamusta?" tanong niya. 

"seriously? Tinatanong mo 'yan sa akin? Hindi mo ba nakita 'yung nangyari kanina?" iritable kong tanong sa kanya. 

"nakita. Ang ibig kong sabihin e, kumusta ka ngayon?" 

"malamang hindi ayos. Kailan ba kasi niya ako matatanggap? Kailan niya magagawang pakawalan si Anne?" 


"hindi ko alam Nicz pero kailangan mo rin siyang intindihin. Hindi madali sa kanya ang mga nangyayari ngayon sa kanya. Hindi niya alam kung pa'no siya magsisimula. Kailangan mo siyang tulungan na gawin 'yun." paliwanag niya. 

"matagal ko ng siyang tinutulungan pero nahihirapan akong gawin ang parte ko kung siya mismo e hindi makawala sa nakaraan niya. Hindi ko matutulungan ang isang taong ayaw magpatulong. Alam ko at alam mo ang ibig kong sabihin Jhie." 

"naiintindihan ko Nicz pero sana maayos niyo kung ano mang problema niyo kasi ito na ang huli nating pagkikita sa ngayon." 


Huling pagkikita? Pa'no? hindi ko maintindihan. 


"anong ibig mong sabihin?" 

"kailangan ko ng pumunta sa lugar na mapayapa... kasama Niya. Kaya naman kailangan mo na akong pakawalan ng lubusan Nicz." 

"at kung hindi?" 

"simple lang, matutulad ako sa kanila. Mga kaluluwang ligaw, kaluluwang walang kapayapaan. Kung 'yun ang gusto mong mangyari p'wede mo naman akong 'wag pakawalan." 

"nangonsensya ka pa talaga? Syempre hindi ko gagawin sa 'yun Jhie. Mas mapapanatag akong kasama mo Siya." 


Nginitian lang ako ni Jhie pero hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. 


"kahit saglit lang Jhie..." 

Naramdaman kong tumango siya at niyakap rin ako. 

"salamat." sabi ko. 


"salamat rin. Alam kong nasasaktan ka. Mahal ka niya Nicz. Kaya mamaya mag-usap kayo. Naiintindihan mo ba ako Annica?!" 


"opo." 


"hindi ka niya sasaktan. At kung saktan ka pa niya ulit ako na ang bahala." 


Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. 


"ano ka ba Jhie?! Sira ka talaga." 

"joke lang." 

"kasama mo ba siya?" 

"sino?" 

"si Anne?" 


Tumango siya. 


"p'wede ko ba siyang makita kahit saglit?" 

"gusto mo ba talaga?" 

Tumango naman ako. 


Nawala siya bigla tapos pagbalik niya e may kasama siyang isang babae na kahawig ko. Nakaputi siya na dress tapos kulot ang buhok na parang manika. 

Ang ganda niya. 


Maganda? E 'di parang sinabihan ko rin sarili ko na maganda kasi magkamukha kami? Hahaha. 


"Anne, siya si Nica." pakilala ni Jhie. 

"hi An-" 

Nagulat ako no'ng bigla niya akong niyakap. 

"alagaan mo siya ha. Ikaw na ang bahala sa kanya. 'wag kang mag-alala mahal ka niya, naliwanagan na rin siya sa mga bagay-bagay. Mahal ka no'n. 'wag na kayong mag-away ha. Masaya ako na kahit mawala man ako e may mabuting tao ang mag-aalaga at magmamahal sa isa sa taong mahalaga sa akin." 

"salamat at tanggap mo ako. Akong bahala sa kanya." 


Matapos no'n ay umalis na sila. 


"Paalam sa inyo, hanggang sa muli." 


Napapikit ako dahil sa liwanag. 


Matagal rin bago ko naimulat ang mga mata ko.  


Naisip ko ulit 'yung sinabi ni Anne. 


"...Masaya ako na kahit mawala man ako e may mabuting tao ang mag-aalaga at magmamahal sa isa sa taong mahalaga sa akin." 


Ako rin Anne masaya ako at nakilala mo si Jhie, mas panatag na ako ngayon. 


Minabuti ko ng gumising para puntahan si Ben. 






<Pananaw ni Ben> 


Pagmulat ko na lang ang aking mga mata... 


Wala nang kung ano mang pasakalye. Kumaripas na ako ng takbo papunta kay Nica. Sakto naman na pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko e nando'n siya at nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Madie at mukhang kakalabas lang rin niya. 


"Sorry." 

Sabay pa naming sinabi. 

Hindi ko na 'yun pinansin at lumapit ako sa kanya para yakapin siya. 


At ngayon ko lang talaga naramadaman 'tong pakiramdam na ito.  

Pakiramdam na para akong nabuhay muli. 


Masaya ako at nararamdaman ko ito. 

Salamat Nica at dumating ka sa buhay ko. 

Salamat at natutunan kong palayain ang sarili ko sa nakaraan. 



Salamat at minamahal mo pa rin ako kahit na dumating sa punto na binaliwan ko ang pagmamahal mo sa akin. 



"Mahal na mahal kita Nica. Salamat." 


Tapos hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. 


"kahit inaway mo ako kanina. Kahit ang bad bad mo. Kahit..." 

Tapos inamoy niya ako. Loko talaga 'tong si Nica. Nagdadrama tapos ganyan pa. 

"kahit amoy alak ka pa. ang baho mo. Hahaha. Biro lang." 

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi. 

"mahal na mahal na mahal kita!" 



Kumalas na ako ng yakap tapos hinawakan ang mga pisngi niya tapos hinalikan ko siya sa labi. 


Ayos na sana kaso bigla niya akong tinulak, hindi naman gano'n kalakas. 


"seryoso Ben ang baho mo. Maligo ka na." 


Napasimangot ako bigla at tumalikod... 


Mabaho pala wah. 


Bigla ko siyang niyakap at itinaas ang braso ko. 


"kiss mo muna kili-kili ko!" sabi ko sa kanya. 

"KAAADDIIIIRRRRIII KAAAAA!!!!! ANNNNNEEEE JHHHHIIIIEEE TULONG!!!! WAAAAHHHH!!! EWWWW BEN ANG BAHO MO MALIGO KA NA!!!" 




Inilapit ko sa tenga niya 'yung bibig ko at ibinulong... 


"sabay tayo." 






"ARAY NAMAN NICA! MAKABATOK NAMAN 'TOH!" 


Napalayo ako ng wala sa oras. Grabe talaga siya. 'yan ba talaga 'yung sinasabi ni Anne na mahal daw ako? 



"maliligo na po..." 



"good." 


"kiss mo muna kili-kili ko. Please..." 


Aakma na sana siya ng batok kaya naman kumaripas na ako ng takbo. 





32. Puting rosas para sa minamahal sa buhay 

<Pananaw ni Nica> 



*tok,tok,tok* 


"Sino 'yan?" sigaw ko. 


"Nicky..." 


Si Madie pala. 


"Oh Madie pasok!"  


Narinig kong bumukas 'yung pinto. Nandito kasi ako sa harap ng salamin at inaayos 'yung damit ko. Nakakatuwa kasi ngayon lang ako nakapagsuot ng puting bistida.  


"ang ganda mo talaga Nicky." sabi ni Madie tapos tumabi siya sa akin. 


"oh ba't hindi pa ayos 'yung buhok mo? Gusto mo kulutin na lang natin?" tumango ako at ngumiti. 


Kukulutin ko naman talaga 'yung buhok ko kasi hindi ako sanay na nakataas 'yun. 


Sayang sana nandito rin sila mama at papa. Namimiss ko ko na talaga sila e. 


"nga pala Nicky, sabi nila Ben at Joshua na mauuna na sila sa chapel." sabi ni Maddie habang kinukulot 'yung buhok ko. 

"gano'n ba? Ok na ba raw ang lahat?" tanong ko. 


Kinakabahan kasi ako na baka pumalpak lahat ng pinlano namin ni Ben. Mahalaga kasi 'tong okasyon na 'to para sa amin. Hindi man gano'n kalaki ang selebrasyon e masaya na kami. Saka mas gusto namin na 'yung mahahalagang tao lang ang imbitado. Mas solemn ang seremonya, mas maganda. 



"oo, nando'n na rin daw sila. O ayan ok na 'yung buhok mo. Punta na tayo do'n?"  


Tumango ako tapos tuminginulit sa salamin. Hindi ko naiwasang mapangiti kasi ang ganda ko ngayon. Hahah. 


"oh." tapos iniabot niya sa akin 'yung isang bouquet ng putting rosas na may itim na laso. 



Tapos pumunta na kami sa chapel. 




"salamat Nicky." sabi niya ng papasok na kami ng chapel. 


"sa'n?"  


"sa lahat. Sige na punta ka na do'n at hinihintay ka na ni Ben. 


Pumasok na ako sa loob ng chapel. Punong puno ng mga putting rosas. 


Si Ben, nando'n siya sa may altar at naghihintay sa akin. Sinimulan ko ng maglakad papunta sa kanya. Nakakatuwang isip na ako, si Annica Tolentino Soriano, ay nakabistidang puti, may bulaklak na hawak at naglalakad papunta sa may altar kung sa'n ang pinaka mamahal ko ay maghihitay sa akin. 


Ang gwapo talaga ng mahal ko. Pareho pa kaming nakaputi. Pinlano rin namin na lahat ng dadalo ay nakaputi. 


"ganda talaga ng mahal ko." sabi ni Ben habang hawak ang kamay ko. 

"salamat. Magsisimula na." sabi ko. 


Pumunta na kami sa p'westo namin tapos nagsimula ng magsalita ang pari. 




"Ngayon, July 14, 2010 ay nagsama-sama tayo para sa ika isang taong pagkamatay ng dalawa sa ating pinakamamahal na kaibigan na sila Benjie Sanchez Fernandez at Annica Tormientes Castro..." 
Sabi ng pari. 



Akala niyo siguro kasal namin noh? 


Matagal pa 'yun! 



Napagisip-isip kasi namin ni Ben na pakawalan na ang aming mahal na kaibigan ng pormal. 


Nagsimula ng magmisa ang pari at pagkatapos ay binigyan niya na magsalita ang mga malalapit sa buhay ni Anne at Jhie. 


Unang nagsalita ang mga magulang ni Anne kasunod ay ang nakakatandang kapatid nito na si Kuya Jess pagkatapos naman ay ang mga magulang ni Jhie. 



Ngayon si Madie na ang nagsasalita. 


"...bessie ko,namimiss na kita. Dalawi- joke lang 'wag mo na pala akong dalawin..hehehe... " sabi ni Madz. 


No'ng matapos na siya e kami na ni Ben ang magsasalita. Sabay na kaming pumunta sa may harapan.  


"Ako po si Nica," sabi ko. 

"At ako naman po si Ben." sabi niya. 



Hinayaan na ako ni Ben na na maunang magsalita. 

"nakakalungkot na nakakatuwang isip na ang mga katagang 'expect the unexpected'. Matalik ko pong kaibigan si Jhie, siya na po ang tumayo at umupong mga magulang ko. Naging isang kuya, isang kaibigan at isang ka-ibigan pero sabi ko nga kanina e 'expect the unexpected' at kadugsong pa nito ang 'life is short so live it to the fullest'. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng Panginoon.  

Iniwan man ako ni Jhie physically e hindi pa rin naman niya ako pinabayaan. Sa tulong ng Panginoon, ni Jhie at Anne ay nakilala ko si Ben. Salamat Jhie at Anne at hinayaan niyo kami na maging masaya." 


Pagkatapos kong magsalita ay nagsalita na si Ben. 


"tulad nga ng sinabi ni Nica, ako rin ay lubos na nagpapasalamat sa dalawa kong kaibigan na sila Anne at Jhie dahil hinayaan nila akong mamulat sa katotohanan at nakawala sa nakaraan. Anne salamat at pinaunawa mo sa akin ang lahat at tama ka, mahal niya ako at mahal ko nga siya. Salamat kasi may minsang nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Ngayon, malaya ka na Anne." 



Pagkatapos ng misa ay tumuloy kami sa puntod nila Jhie at Anne. 

Halos mga kamag-anak na lang ang sununod. 


Nag palipad kami ng mga puting lobo para sa kalayaan ng mga kaluluwa nila. 



Pauwi na sana kami ng... 


"Madie, Joshua mauna na kayo sa bahay. Dito muna kami ni Nica." sabi ni Ben kaya naman nauna ng umuwi sila Madz. 


Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. 

"panahon na." sabi niya. 

Nakita kong may hawak siya na dalawang bugkos ng putting rosas. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya no'ng una ko siyang makita dito sa sementeryo na itim na rosas ang ibibigay mo sa kanya hangga't hindi mo pa napapatawad ang sarili mo,at hangga't hindi ka pa handang magmahal ulit, mananatiling itim na rosas ang ibibigay niya kay Anne, tanda ng pagluluksa niya sa paglisan nito. 



Inilapag namin ang mga rosas sa puntod nila at pagkatapos ay umalis na. 


"Ben, salamat." sabi ko sa kanya. 


"para sa'n?" tapos bigla siyang tumigil. 


"kasi handa ka ng magmahal ulit. Alam ko ang ibig sabihin mo sa mga rosas kanina. Salamat. Mahal na mahal kita." tapos niyakap ko siya. 


"mahal na mahal rin kita Nica." sabi niya tapos hinalikan niya 'yung noo ko. 




33. Kandila 

<Pananw ni Ben> 


"Anne! Jhie! Tama na ang takbo ok? Baka madapa kayo." sabi ko. 

"Narinig niyo 'yung daddy niyo, tama na ang takbo saka baka magkasakit kayo." sabi naman ng pinakamamahal kong babae. 


Lumapit sa amin 'yung dalawa. 


"Mommy are we going to eat na?" tanong ni Anne. 

"Daddy we're hungry!" sabi naman ni Jhie tapos sabay tango pa ni Anne. 

Itong kambal na ito napakakulit. 

"Sa'n niyo ba gustong kumain?" tanong ko sa kambal. 

"MALIJENS! WE ANT FETTUCHINI!!" sigaw no'ng dalawa. 


"Fettuchini again?!" sabi ni Nica. 
"'yan 'kaw kai pinaglihi mo 'yung kambal sa fettuchini 'yan tuloy." bulong ko kay Niaca. 

Wala ng nasabi si Nica at napailing at napangiti na lang sa sinabi ko. 



"Ok,say goodbye to tito and tita." sabi ko sa kanila. 


"Bye tita Anne ganda." sabi nila habang nakaharap sa puntod ni Anne. 


"Bye tito Jhie pogi." sabi naman nila habang nakaharap sa puntod ni Jhie. 


"See you next month!" 



Pagkatapos no'n e kami naman ni Nica ang nagpaalam pero hindi naman katulad no'ng ginawa no'ng kambal. Mukha kaming sira kapag ginawa namin 'yun. 


Ngayon e papunta na kami sa Malijens sa fettuchini no'ng kambal. 


Hay nako, hindi ko lubos maisip na sampung taon na ang nakakalipas matapos no'ng first death anniversary nila Anne at Jhie. Makalipas ang tatlong taon na mag-nobyo at nobya kami ni Nica e minabuti na naming magpakasal at ngayon e meron na kaming kambal na sila Annjie at Beanne. Mag-a-anim na taon na sila ngayong taon. 

Kung iniisip niyo naman kung anong nangyari kila Madieat Joshua, kasal ngayon. Nagpaasal sila matapos ang limang taon mula no'ng first death anniversary nila Anne. Ngayon e limang buwang buntis si Madie. Nakakatuwa ga 'yung luka-loka, aba't paghanapin ba naman si Joshua ng inihaw na pinya ng dis-oras ng gabi. Talagang pumunta pa siya sa bahay namin dahil lang do'n. buti na lang kako at nagdala si kuya Jess ng pinya, galing daw sila sa Batangas kaya naman may stock kami sa bahay. Napilitan pa tuloy mag-ihaw si mokong. Si Madie naman kasi kung anu-ano ang hinahanap at talagang pinag-ihaw pa ng pinya ang asawa. 


"parang kailan lang." sabi ko sa sarili ko. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay namin nila Nica. 

Tadhana nga naman. 

Sabi nga nila, "may plano ang Panginoon para sa atin, kung ano mang pagsubok ang nararanasan mo ngayon, basta manalig ka sa Kanya at magtiwala sa iyong sarili ay hindi malabong mangyari na makuha mo ang inaasam mong kaligayahan. 


"Ang Panginoon at na ang mga taong mnagmamahal sa'yo ang nagsisilbing kandila ng ating buhay." 
-Benjie Gonzales Rodriguez 


Ang pagtatapos. 

_______________________________________________________ 


"kung dumating man ang panahon na pakiramdam mo e nag-iisa ka sa kadiliman, 'wag kang mag-atubiling manalig sa Kanya, 'wag mong kakalimutan ang mga taong nagmamahal sa'yo. Iwan ka man ng taong mahal mo e nagsisilbi pa rin silang kandila sa buhay mo. Nagbibigay liwanag sa daan na iyong tatahakin upang makamtan mo ang iyong kaligayahan." 

-mawi cataran 








Pasasalamat 

Natapos ko na ang Kandila! 


Lubos akong nagpapasalamat sa mga sumusunod: sa mga taong nagbasa ng video story ko na pinamagatang "patawad" na kung sa'n nagsimula ang lahat, sa FB notes kasi dito ko unang i-pinublish ang Kandila sa paglikha ng "NOTEserye ni Mawi", sa pinsan ko na si Lougielie na nagpakilala sa akin kay watty, Wattpad family! Sa mga fans at mga nagbabasa ng Kandila, roller coaster potato chips, sa mga tasa ng kape na ininom ko habang isinusulat ang Kandila, sa nanay at tatay ko na nagbabayad ng kuryente namin pasensya na kung lagi akong nagamit ng computer hehehe, sa lahat ng naniniwala sa akin, kay Allen na kahit hindi mo pa binabasa 'yung mga gawa ko, sa mga kaklase ko na pinipilit kong basahin nila 'yung gawa mo, Parokya ni Edgar at Yiruma para playlist ko at higit sa lahat sa inyo ang mga taong lubos na naniniwala sa akin. 


Kayo ang nagsisilbing Kandila ng buhay ko, salamat. 



-Maestrel "Mawi" Cataran a.k.a Fragile333

No comments:

Post a Comment